Ronnie's POV Masayang nagkwekwentuhan si mommy at si Isabel habang magkahawak pa ang mga kamay nito. Kasalukayang nasa sofa kaming lahat nakaupo ngayon matapos ang masarap na dinner na inihanda ni mommy. Nakahilig si mommy sa balikat ni daddy habang nasa kaliwang tabi rin naman ni mommy si Isabel. Tahimik na nanood lang ako sa kanila habang pasimple simple kong sinusulyap sulyapan si Isabel. Masayang masaya na nakikitawa ito sa mommy ko. Kung titingnan parang mas anak pa ni mommy kung ituring nito si Isabel kaysa sa akin. "Iho, tutal andito kana. Kilan ba ang balak mong palitan ako sa kumpanya??!" Basag na tanong ni daddy sa pananahimik ko. Napatigil bigla ako sa pagtingin sa magandang mukha ni Isabel at bumaling ng tingin dito. "Oo nga, bakit ayaw mo pang palitan ang daddy mo anak! Alam ko namang kaya mo na eh!" Sabat naman ni mommy. Nakita kong tumingin rin sa gawi ko si Isabel ng magsalita si mommy. "Mom, how many times do I have to tell you na hindi pa ako handa. I just
Last Updated : 2026-01-30 Read more