Isabel's POV "Shhhhh tahan na iha, wag ka ng umiyak. This is your day. Dapat mag enjoy ka lang okay?" Pampakalma na sabi nito at niyakap ulit ako. Pinaghalong awa at tuwa ang nararamdaman ko. May malaking parte sa akin na masayang masaya dahil sa kabaitan nito. Ngunit may parte din na naawa dahil lahat ng ito ay pawang laro at kasinungalingan lang namin ni sir Ronnie. "Diosko! sana totoo nalang ito. Sana darating ang araw na wala na ng kasingulingan at pawang katotohanan na lang ang kasal na ito" Naiiyak na sabi ko sa loob loob ko. Matapos ng yakapin at iyakan namin ng mommy ni sir Ronnie. Pagbaling ko sa gilid ko. Wala na naman ito. Hinanap ko ito at nakita kong masayang nakangiti ito sa babaeng ayaw na ayaw kong makita sa araw na ito. "So-sophie??" Nasasaktan na mahinang sambit ko. Kita mismo ng dalawang mata ko kung paano tumawa si sir Ronnie na kaharap si Sophie. Parang sinaksak ng sampung punyal ang puso ko. Sobrang sakit nito. "I-iha, are you okay??" Untag ng tanong
Last Updated : 2026-02-07 Read more