Andrea's POV "La, bakit na naman kayo umiiyak??" Malambing na boses na tanong ko."La, hindi magugustohan ng lolo na makita kayong ganyan" Dagdag pa na sabi ko.Nakita Kong pasimple niyang pinahiran ang luha niya at muling bumaling ng tingin sa akin."La, masakit man na wala na ang lolo pero kailangan nating tanggapin ito" Sabi ko at niyakap ito."Apo, namimiss kona ang lolo mo"mangiyakngiyak na sabi nito. Nalungkot ako habang sinasabi niya ito kaya pati ako hindi ko rin napigilan ang luha ko."La, tama na po iyan" Sabi ko at kinalma ang sarili ko. Tumabi ako ng upo sa Lola ko at humarap dito." La, may sasabihin ako sayo" Nagtatakang tiningnan ako nito." La, isasama ako ng boss ko sa Hong Kong bukas dahil sa trabaho, kaya magpapaalam ako sayo" Wika ko. Nakita Kong nagulat ito pero bigla naman nitong binawi agad at ngumiti."Ay, mas mabuti apo makakapunta kana sa ibang bansa, ilang araw kayo doon?" Tanong nito."Isang linggo kami doon la" Sagot ko. Kita sa mga mata nito na nalungkot
Last Updated : 2025-08-17 Read more