Andrea's POV " Ading apo, gising na! malate kana! " Tawag ni lola sa akin habang niyuyugyug ang balikat ko. Ibinuka ko ang mga mata ko at napag alaman Kong nakatulog pala ako sa tabi ng kama ni lolo. " Umuwi kana, dahil papasok kapa sa trabaho at ang kapatid mo doon kailangan nong pumasok ding sa eskwela " Sabi nito. Nag unat muna ako ng katawan bago tumayo. " Sige la, pag out ko mamaya deretso agad ako rito at dalhan ko na rin kayo ng gamit niyo, kung may problema tawagan mo agad ako ha?" Saad ko na ikinatango na naman nito. Tiningnan ko ang relo ko, mag aalas sais na ng umaga ito kaya binilisan ko ang lakad ko para makarating sa sakayan ng jeep. Nang nasa sakayan ako may biglang tumawag sa pangalan ko, nilingon ko ito si Jandy ito. " Andrea?" " Bes! saan punta mo?" Tanong ng kaibigan Kong si Jandy . Naka angkas ito sa motor at mukhang galing pa sa trabaho nito Club. Ngumiti at nilapitan ito. " Uy, Bes! pauwi na, nagmamadali nga ako eh! kasi may pasok pa ako, baka mal
Last Updated : 2025-08-06 Read more