“Girl, okay ka lang mukhang lasing ka na,” wika ni Jhaira kay Honey.“Yup. Okay lang ako,” sagot ni Honey sabay tungga ulit ng alak sa baso niya.“Lasing na nga,” wika na lang ni Jhaira. “No. I’m not. Kaya ko pa ngang maglakad, sinong lasing? ikaww?” sabay tayo at maglalakad sana ng bigla na lang siyang nabuwal buti na lang at mabilis ang reflex ni Jhaira at nasalo siya.“See, lasing ka na.”“I’m not. Come on, let’s dance,” aya ni Honey at pasuray-suray na pumunta sa dance floor kung saan may ibang nagsasayaw rin. “This is freedom!”Halos wala na sa tamang pag-iisip si Honey habang nagsasayaw. Parang pag-aari niya ang buong dance floor habang gumiling-giling na may pataas -taas pa ang mga kamay. “And saya!” Humahalakhak na sigaw ni Honey. Di nagtagal ay naisipan niyang bumalik sa upuan nila at doon muling tumungga ng alak. “Girl, okay lang?” Nag-aalang wika ni Jhaira. “Oo naman, okay lang ako,” halos magkabulol-bulol na wika ni Honey. “Ang saya pala dito. Nakakawala ng problema
Last Updated : 2025-11-23 Read more