LOGINOnly child si Honey Jane De Guzman. Kaya di nakapagtataka na lahat ng gusto niya ay makakakuha ng di na kailangang magbanat ng buto. Spoiled sa magulang at higit sa lahat ay napaka-care free niyang babae. Ngunit paano kung isang araw bigla na lang siyang mawawalan ng magulang dahil sa isang aksidente na siyang sanhi ng pagpanaw ng mga ito? At paano kung malaman niya na inihahabilin siya ng kanyang ama sa executive assistant nito na sobrang seryuso, expressionless, nonchalant na si Zacharias Joey Macapagal? At ang mas masaklap pa ay kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang mana at ang pagiging CEO niya sa kumpanya? Makakatagal kaya ang isang makulit na si Honey Jane sa isang introvert na si Zacharias?
View More“What do you want?” Alanganin na tanong ni Honey sa humarang sa kanya. Naalala niya na ito ang umupo kanina sa vip lodge kung saan sila ng kaibigan si Jhaira. “It's you, babe,” sagot nito na para bang isa siyang pagkain na nakahain sa harapan nito. “Step aside, magsi-cr ako,” pakiusap ni Honey dito. As much as possible, ayaw niyang mag-panic. Ayaw niyang makagawa ng eksena. Alam niya kung anong lugar na ito at alam niyang walang makakatulong sa kanya kung sakaling may nangyaring hindi maganda dahil mindset ng mga taong naririto ay magpakasaya at alam niyang walang maniniwala sa kanya kung sakaling mabastos siya nito. “You want me to join you there? Let's have some happy moments?” parang asong ulol na wika nito sa kanya sabay hawak sa siko niya. “Don't touch me!” Angal ni Honey sabay waksi ng kamay niya. “Oh, I like that. Palaban,” wila nito sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. “I'm sure palaban ka pagdating sa kanya.”“Bastos!” Singhal niya to sabay tulak upang makadaan
“Girl, okay ka lang mukhang lasing ka na,” wika ni Jhaira kay Honey.“Yup. Okay lang ako,” sagot ni Honey sabay tungga ulit ng alak sa baso niya.“Lasing na nga,” wika na lang ni Jhaira. “No. I’m not. Kaya ko pa ngang maglakad, sinong lasing? ikaww?” sabay tayo at maglalakad sana ng bigla na lang siyang nabuwal buti na lang at mabilis ang reflex ni Jhaira at nasalo siya.“See, lasing ka na.”“I’m not. Come on, let’s dance,” aya ni Honey at pasuray-suray na pumunta sa dance floor kung saan may ibang nagsasayaw rin. “This is freedom!”Halos wala na sa tamang pag-iisip si Honey habang nagsasayaw. Parang pag-aari niya ang buong dance floor habang gumiling-giling na may pataas -taas pa ang mga kamay. “And saya!” Humahalakhak na sigaw ni Honey. Di nagtagal ay naisipan niyang bumalik sa upuan nila at doon muling tumungga ng alak. “Girl, okay lang?” Nag-aalang wika ni Jhaira. “Oo naman, okay lang ako,” halos magkabulol-bulol na wika ni Honey. “Ang saya pala dito. Nakakawala ng problema
Gabi na nang magising si Honey. Ginising siya ng tunog ng cellphone niya. Antok pa ang diwa niya nakinapa-kapa ang gilid niya upang makuha ang cellphone niya. At nang matagpuan ay agad niyang pinindot ang answer button at inilipat sa tainga. Hindi na niya tiningnan kung sino. “Hello,” wika niya pagkasagot niya sa tawag.“Girl, kumusta? Okay kana ba?” nag-alala na tanong ni Jhaira sa kaibigan.“Ito, kagigising lang,” walang ganang sagot ni Honey.“Girl, alam kong malungkot ka ngayon dahil sa pagkawala ng magulang mo pero sana tanggapin mo na wala na sila at hindi mo na sila makakasama pa dito sa mundo sa ngayon. But I know rin na time will come ay makakasama muli natin sila sa lugar kung saan puro saya na lang ang ating mararanasan,” paliwanag ni Jhaire sa kanya. Napabuntong hininga na lang si Honey sa sinabi ng kaibigan. “Pero masakit pa rin, girl.”“Lilipas din yan. Pasasaan ba at matatanggap mo rin ang lahat, girl,” sabi ni Jhaira. “Ewan ko. Hindi ko na yata matanggap na wala na
Katatapos lang ng libing ng mga magulang ni Honey Jane. Nasa harap siya ng puntod ng mga ito na kasalukuyang tinatabunan ng lupa. Patuloy lang siya sa mahinang pag-iyak dahil sa lungkot na nararamdaman. Ngayon pa lang ay alam niyang mmi-miss niya ang magulang. Lalo na sa mga bagay nakasanayang niyang gawin kasama ang mga ito. “Let’s go,” rinig niyang wika ni Zack sa gilid niya. “Umaambon na. Baka abutan pa tayo ng ulan.”Napa buntong hininga na lang si Honey Jane. Wala siyang balak umalis agad sa puntod ng ama at ina. Nais muna niyang namnamin ang huling pagkakataon na masilip at makasama ang mga ito.“Mauna kana.”“No. You should go and have a proper rest,” sagot ni Zack na mahina at malamig na boses.“Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko na mauna kana?” iritang bulyaw ni Honey sa lalaki. "I am just concerned about you,” sagot nito. “Pwest! Hindi ko kailangan ang concern mo!” sigaw niya sa lalaki. “Ang kailangan ko ay iwan mo akong mag-isa dito!”"Don't be so hard head






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.