“Stop it!” Namumulang sabi ko habang tinatakpan ko ang mukha ko gamit ng kamay ko.“Why? Ang tapang tapang mo kanina tapos ngayong tayo nalang, mahihiya ka?” natatawang sabi ni Escalante.Nakagat ko ang labi ko. “Kasi, umiyak ka e.”Ngumuso siya.“I did not cry because of Lavenia.”Pinagkunutan ko siya ng noo.“Anong hindi? Halata nga kanina yung luha mo.”Nag-iwas siya ng tingin. “Nevermind that!”Ano kaya ibig sabihin ng onggoy na to, pero kung ano mang dahilan yun bakit siya umiyak, parang ayoko ng makita na mangyari yun ulit. Hindi ko kaya. Naiinis talaga ako, pwera na lang kung umiyak siya dahil sakin.“So anong gagawin natin ngayon?” tanong niya ng matahimik ako. Nabigla naman ako doon.Bakit ako ang tinatanong niya?“Huh? What do you mean?”“Hindi ba ang sabi mo ay sayo na ako? So technically, ikaw na ang bahala sakin.”Napipi ako. Oo nga pala, iyon ang sabi ko kanina.“So ano? May naisip ka na bang gagawin natin?” Nagulat ako kasi nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya
Huling Na-update : 2025-10-20 Magbasa pa