Mhai’s POVPaaaaak!Napahawak si Helena sa pisngi niya matapos ko siyang sampalin. Kanina ko pa ito binalak gawin sa kaniya. Kanina pa no’ng nagkagulo ang lahat dahil sa masansang na amoy na nagmula doon sa mga damit.“Ano bang ginagawa mo Mhai? Bakit mo ko sinampal?” gulat na tanong niya.“Aminin mo nga sakin, Helena. Ikaw di ba ang may gawa no’n sa mga damit?”Nanlaki ang mga mata niya. “Anong s-sinasabi mo?”“Bakit? Akala mo hindi ko malalaman?”Kagabi, pagdating namin sa hotel namin, pinakialaman ko ang bag niya. Dahil magka-room kami, malaya kong nagalaw ang mga gamit niya noong tulog siya.Naghanap kasi ako ng alcohol sa bag niya matapos kong magbanyo pero wala akong mahanap at ang nakita ko ay yung perfume.“Pwede na siguro to,” ang sabi ko.I sprayed it in my hands pero wala namang amoy. Natanto kong hindi yun alcohol at pinabayaan ko lang kasi akala ko ay wala lang yun.But naalimpungatan ako sa gitna ng gabi kasi biglang nangati ang kamay ko at biglang bumaho. As in, sobrang
Last Updated : 2025-10-15 Read more