Pagkatapos kong kumain ay nauna akong pumunta ng kwarto namin para makaligo. Naiwan si Escalante na siya ng pinagligpit ko sa pinagkainan ko.Tutal naman ay gusto daw niya akong pagsilbihan buong buhay niya, kaya ayan, nautusan ko na. Tignan lang natin kung tatagal ba yang pagpapasikat niya.Habang naghuhubad ako ng damit ko, may kumatok sa pinto.“Ate?”Si Aileen. Nagroba muna ako bago ako lumapit sa pinto at binuksan iyon.“Ate, gusto sana kita makausap.”Nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at hinayaan siyang makapasok. Umupo siya sa kama at ako naman ay pumunta ng vanity para magtanggal ng make-up.“Anong gusto mong sabihin?” sabi ko habang naglagay ng cleansing oil sa white cloth.“About ito sa tinulungan kong binata kanina ate.”Tumingin ako sa kaniya gamit ang salamin. Oo nga pala, walang nabanggit sakin si Escalante kung sino ang tinulungan ni Aileen.“Bakit? May problema ba?” tanong ko.“Kasi ate, maniwala ka o hindi pero yung tinulungan ko kanina ay kamukhang-kamukha ni kuya Ar
Huling Na-update : 2025-10-09 Magbasa pa