Vida’s POV “Anak, tungkol kay Cheng, buo na ba ang pasya mo dito?” napatingin ako kay mama nang tanungin niya yun. Nasa sala ako, nanonood ng TV habang nagpapatuyo ng buhok kasi kakaligo ko lang. Tumango ako sa kaniya. “Yes, ma. Buo na po.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sakin at yumakap. Nagulat naman ako. What’s with her today? “Alam mo Vida, proud na proud talaga ako sayo anak. Ako, noong una kong narinig ang tungkol sa anak ni Aris, natakot ako para sayo tapos ikaw, heto.. buong tapang mong tinanggap ang bata.” Ngumuso ako. Iyon ba yung dahilan bakit sumakit bigla ang ulo niya? Kaya pala parang may problema siya ng mga sandaling iyon.Akala niya siguro e masasaktan ako oras malaman kong may batang binubuhay si Escalante. Anak ng ex to be exact. Saka hindi ko rin expect na sinabi na una ni Escalante kay mama ang tungkol kay Cheng, no wonder hindi man lang nagtaka ito no’ng sabihin ng onggoy na parating na ang eldest daw namin. “Bakit naman kayo natakot para sakin, ma?” “Ak
Last Updated : 2025-11-02 Read more