Kinain ko lang yung breakfast na hinanda ng asawa ko at naligo. Si Cheng ay si mama na raw ang bahala.Dahil isang linggo pa kami dito, plano kong turuan si Cheng sa pag-aaral niya para naman hindi masanay ang utak niya na puro nalang siya laro.Pagkatapos kong magbihis, si Aileen na agad ang bumungad sakin.“ATEEEE!”Nanlalaki ang mata niya at hinahangos pa siya.Nakita kong naka-school uniform pa siya.“Ate, may bata sa baba… S-Sino yun?” aniya pero bago pa ako makasagot, sumigaw na si Cheng.“MAMAAAAAA!”Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at dumungaw sa sala.“Mamaaaaaa, papa’s twin!” Sabi niya sabay turo sa pinto. Nang sundan ko ang hintuturo niya, nakita ko si Archi.“Anak, hindi yan ang papa mo.”“What? But that’s papa’s face. Isa ba siyang doppelganger?”Mahina akong natawa. Anong doppelganger? Saan niya nakuha ang salitang yan at alam na niya?“Anak hindi, kapatid yan ng papa mo. Si tito Archi mo. Kaya same sila ng mukha.”Napanganga siya.“May kapatid si papa?”Tumango ako.“
Last Updated : 2025-11-09 Read more