Nakarating ako ng apartment after 100 years, oo, 100 years talaga kasi inabot ng isang oras ang 20 minutes na byahe lang sana.Pagdating ko sa apartment, nagulat ako nang makita ko si Marky na galit na nakatingin sa akin.“Bakit mo ko iniwan kagabi?”“Sorry, may emergency.” Pagsisinungaling ko. Given sa nangyari ulit sa amin ni Escalante, wala na talaga ako sa lugar na magalit kay Marky dahil pareho na kami ng gawain.Siya nakabuntis, ako naman ay nakipagsex sa boss ko. Hindi lang isang beses, dalawang beses pa. Kaya kung cheater siya, ako rin.“Anong emergency? Trabaho na naman?”Umiling ako. “Galing akong hospital. Sumakit kasi ang tiyan ko kagabi.” Pagsisinungaling ko. Ayoko lang na may ibang masabi pa siya at ayoko magpaliwanag ng matagal. Pagod ako.Tutal, dati ko pang nararamdaman na malayo na ang loob namin sa isa’t-isa so baka sa susunod ay makakamove-on na rin ako sa kaniya.“Hospital?” nagbago ang expression ng mukha niya. “Ayos ka lang ba, babe? Bakit hindi mo sinabi sa akin
Huling Na-update : 2025-08-01 Magbasa pa