When Escalante said na unahin si Matt, nagdesisyon akong sundin ang plano niya. Hindi ko lang alam paano ko ito mahuhuli kasama ang boyfriend niya. Bahala na.“Vida, tumatawag na naman ang boyfriend mo.” Sabi ni Helena sa tabi at nang mapatingin ako sa phone ko, nakita ko nga ang pangalan ni Marky.Pero diko yun pinansin. Bumalik ang tingin ko sa trabaho ko.“Nag-away ba kayo? Ilang araw na kitang napapansin na hindi siya sinasagot.”“May trabaho pa kasi ako Helena saka isa pa, kailangan na natin tong matapos bago pa pumasok si madam Lavenia.”Pinagsingkitan niya ko ng mata.“Showbiz naman to… Ayaw umamin nag-away sila ng boyfriend niya.”“Oh sige na. Sasagutin na.” Napipilitan kong sabi. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot si Marky para matapos ang kakangawa ni Helena.[Vida, ano bang nangyayari? Akala ko nakauwi ka na? Bakit walang tao sa apartment niyo at hindi mo pa sinasagot ang tawag ko. Kahit si Aileen ay ayaw akong sagutin. Nasaan ka ba ngayon ha?]Nailayo ko agad ang cellpho
Last Updated : 2025-08-29 Read more