May ugali, m@ldita at mapagpanggap. Iyon ang tatlong napansin ko dito kay Brianne. Pagdating namin ni Mamo, ang angelic nang pakikitungo niya.Nakangiti at sobrang bait.Niyakap niya si Mamo na para bang tunay siyang apo. Hinayaan ko lang kasi syempre, matagal siyang nasa pangangalaga ng mga Escalante, it’s natural for her to feel home around the Escalantes.But…“Grandma, bakit po kayo nandito?” tanong niya. Ni hindi man lang niya ako pinansin na para bang hangin lang ako sa harapan niya.“Nandito ako dahil gusto kang makausap ni Vida. Do you know her?” tanong ni Mamo.Tumingin siya sakin.“No po. Is she a maid?”Marahang tumaas ang kilay ko.Harap-harapan niya kong binabastos. Alam niyang sino ako. Nakaharap na niya si Aileen at Archi di ba? Plus nakausap pa niya ko sa phone.Tapos sasabihin niyang di niya ako kilala?“Bri, yang pananalita mo. Sa ayos niya, talaga bang mapagkakamalan mo siyang maid?” tanong ni Mamo. “Hindi siya mukhang maid para masabi mo yan.”Nanlaki ang mata niya,
Terakhir Diperbarui : 2025-11-30 Baca selengkapnya