Sinisilip ko si Escalante na nakasimangot habang lukot ang mukha. Kanina kasi, magkasama pala si Max at Peres dahil may business na inasikaso ang dalawa.Tapos nang sunduin ni Max si Dra. Khe, sumama si Peres at nagpasya ang tatlo na puntahan si Olie para ayain magdinner.Ngunit hindi nila inaasahan na maabutan nila kami doon sa office ni Olie. Ako, si Escalante at Cly.Kaya ang ending, nagtripple date kami tapos extra si Peres.Sa resto kung nasaan kami kumakain, hindi ko maiwasan titigan si Peres. Dahil legit na sobrang gwapo niya. Jusmiyo talaga ang mukha ng lalaking yun. Mapapamura ka sa kagwapuhan niya.Kanina, panay ako tanong sa sarili ko kung paano kaya siya ginawa ng magulang niya. Anong genes ang nananalaytay sa ugat niya.Kaya ang ending, di ko maiwasan na nakawan siya ng tingin. Akala ko e ako lang ang naggaganoon, pati rin pala ang dalawang doktora na kasama ko.Kaya heto, bad trip si Escalante. Madilim ang mukha at igting ang panga. At pati na rin si Max at Cly. Although
Terakhir Diperbarui : 2025-11-30 Baca selengkapnya