Wala ng saysay. Kahit pa makalikom ako ng pera, isa, dalawa o kahit pa sampung milyon, wala na yung halaga. Bakit? Dahil wala na si mama. Ang tanging tao na tumayong ina at ama ko mula pa noong bata ako.Paulit-ulit na nagring ang cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Probably it’s Matt, hinahanap ako.Nasa bar ako dahil ayokong magluksa. Gusto kong magsaya dahil ang sakit. Ang sakit mawalan ng isang ina.Pero kahit gaano kalakas ang togtog, kahit gaano katapang ang alak na iniinom ko, hindi mawala ang kirot na para bang ilang ulit akong pinapatay.Gago ako. Aminado ako. Mabisyo, nambabae. Hindi ako marunong makuntento pero alam ko paano magpahalaga. Kilala ko ang takot dahil noon pa man, pinaka-ayokong mawala si mama sa buhay ko. Takot na takot akong baka isang araw ay iwan niya rin ako gaya sa ginawa ng walang hiya kong ama na pinagpalit kami sa iba.Ngunit hindi porke’t gago ako ay hindi na ako nasasaktan. Hindi porke’t peste ako sa paningin ng lahat, ay hindi ako kumikilala ng maha
Terakhir Diperbarui : 2025-12-09 Baca selengkapnya