Nakasuot siya ng hospital gown at ngayong nasa malapitan na siya ay kitang-kita ang pagbabago sa katawan niya."Nina, hija..." si Mama Claudia.Umangat ang tingin ko sa mga taong naroon.Ang mga magulang ni Abeliah. Si Abegail, Austin, Kendric, Mama Claudia, Papa Abueno, at si... Eduardo Ugalde.Lahat sila ay gulat na nakita ako maliban na lang kay Abegail.Nanggigilid ang luha ni Mama Claudia pero hindi ko pinansin iyon at tiningnan sila nang walang emosyon.I don't have to be scared. Wala akong ginawang mali."You're here for me, Mommy?" masayang sabi ng bata.Bumaba ang tingin ko sa kaniya. Hindi alam ang gagawin.I gave her a small smile."Hi, Abby," ani ko.Lumaki ang ngiti niya at inabot ang kamay ko kaya napunta ang tingin ko roon. Suddenly, I wanted to hug her tight. But I cannot do that with these people."You'be been gone for long years... like Daddy," sabi niya na ikinawala ng ngiti ko.Napalunok ako at tumango."You're right..." mahina kong sabi."How are you, Mommy? They
Last Updated : 2025-07-31 Read more