Ruthless Storm

Ruthless Storm

last updateHuling Na-update : 2025-07-31
By:  AislaUIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
43Mga Kabanata
20views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

He walked away unaware... she stayed behind with his child. Aleshca Niña Del Puerto, a top architect, takes on the renovation of Ricorrere di Ugalde, a resort designed by her late father and owned by the powerful Ugalde family. There, she meets Abueme Brent Ugalde, the cold and solemn heir, who turns out to be someone from the past, the one she unknowingly hurt long ago. Over time, feelings grow, slowly blossoming into love. They marry and begin a new life together. But just when everything seems perfect, Brent suddenly walks away, leaving Niña heartbroken in the rain, unaware that she's carrying his child. Years later, he came back in the least expected time, but will things be the same between the both of them? Will Niña ever be able to forgive the man who destroyed her trust and shattered her heart?

view more

Kabanata 1

PROLOGUE

"Brent, nariyan ka ba?"

Ilang beses akong kumatok sa pintuan ng bahay pero walang sumasagot. Hindi naman ito naka-kandado kaya alam kong nasa loob siya.

Hinanap ko siya kanina sa opisina niya pero ang sabi ng sekretarya ng lolo niya ay umuwi na raw siya. Wala rin kasi ang secretary ni Brent.

Natigilan ako nang bumukas ito. Bahagya akong napangiti at akmang yayakapin na sana siya pero nakuha ng atensyon ko ang mga maletang nasa likod niya.

"Ano 'yan?" Tinuro ko ang mga maleta. Hindi siya sumagot at walang emosyon ang itsurang nakatingin sa akin. Mapakla akong tumawa at umiling sa naisip. Siguro nakalimutan niya lang na monthsary namin ngayon dahil sa sobrang busy niya.

"May business trip ka? Uhmn, sige... Pero bago 'yon, may ibabalita ako sa'yo—"

"Let's divorce," bigla nitong sabi.

Napawi ang ngiti sa labi ko dahil sa pagkabigla.

"A-Anong sabi mo? Sorry, medyo hindi maayos ang pakiramdam ko kaya siguro hindi ko narinig nang maayos—"

"I said let's divorce," walang emosyong sabi nito. Hila-hila ang maleta niya ay nilagpasan niya ako.

Mabilis ko siyang hinabol at hinarangan sa binabalak niyang pag-alis.

"Brent, k-kung may problema tayo, ayusin natin please..." Aabutin ko na sana ang kamay niya pero iniwas niya iyon.

"Hindi ba malinaw sa'yo ang sinabi ko? Do I have to repeat it again and make it clear?"

Tinitigan ko lang siya at sinusubukang intindihin ang ibig niyang sabihin. My mind's foggy.

"I..." lumunok siya pero hindi pa rin natatanggal ang emosyong ayaw ko sa mukha niya. "I don't love you, Niña."

Para akong nabingi sa mga narinig.

Ilang sandali akong nakatingin sa kaniya habang pinoproseso ang sinabi niya.

Unti-unti at paulit-ulit akong umiling.

"Hindi... Hindi ako naniniwala sa'yo. Bawiin mo ang sinabi mo, Brent. Ginagawa mo lang ito kasi may galit ka sa akin. Ano 'yon Brent? Hm? Ano 'yon? Sabihin mo. Dahil ba kay Engineer Dominic? Dahil ba pinagseselosan mo siya? Sorry, hindi ko nasabi sa 'yo na magkasama na naman kami sa isang project... Hindi ka aalis, ha? Aayusin natin 'to. Mahal mo 'ko, Brent."

Kukunin ko na sana sa kaniya ang maleta pero nilayo niya sa akin iyon. Matalim na tingin at puno ng galit na emosyon ang ipinukol niya sa akin.

This is not you, Brent. This is not my husband.

The man who used to look at me with so much love in his eyes is now gazing at me with coldness and rage.

"Aren't you smart? I don't want to be with you. I don't want this marriage anymore," Natigilan ako. Nanginig ang kamay ko at napayuko sa narinig. Hindi ko na siya napigilan nang nilagpasan niya ulit ako.

"You promised me, Brent," ani ko. Humarap ako at nakita siyang napahinto. "You promised me you won't leave me. Gano'n nalang ba kadali para sayo ang iwanan ako?" Isa-isang nagsipatakan ang mga luhang 'di ko mapigilan.

Humakbang ako palapit sa kaniya.

"Brent, mahal mo ako... Alam ko 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo ito. Pag-usapan natin 'to sa loob, please?" Nanghihina kong sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan ang mga mata niya.

"Let's fix this, please..." mahinang sabi ko dahil sa panghihina. Medyo nahihilo ako pero pilit kong nilalabanan iyon.

Hinawi niya ang kamay ko at magpapatuloy na sana kaya agad akong lumuhod. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa biglaan kong pagluhod.

"Don't leave me, Brent..." humihikbi kong sabi. "Mahal mo ako, 'di ba? Wag mo naman sa 'kin gawin 'to please? Ayaw ko..." Napapikit ako nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. "Mahal kita..."

I saw how he closed his eyes painfully but when he opens them, I trembled.

Hindi ko mababago ang gusto niyang gawin...

"Get up. Kneeling for a man makes you look like a whore desperate for some attention," malamig ang boses nitong sabi.

Parang madaming punyal ang tumarak sa dibdib ko nang marinig iyon. Hindi ako makapaniwalang nasabi niya sa akin 'yon.

This can't be him. I know my husband. He can't say those words to me.

"Get out of my way—"

"Hindi! Hindi ako papayag!" mangiyak-iyak kong sigaw.

"Niña! I need to go! Get out of my way!" Hindi ko siya makapaniwalang tiningala nang itulak niya ako. Kahit mahina lang 'yon ay lumakas ang pagbagsak ko dahil sa kahinaan. Imbis na tulungan ako ay nagmadali na siyang umalis nang hindi ako nililingon.

Bumuhos ang luha ko na sinabayan din ng pagbuhos ng malakas na ulan. Narinig ko ang pagbusina at pag-alis ng kotse na mas lalong nagpasakit sa damdamin ko.

Matagal akong natulala sa mabilis na pangyayari pero bumaba ang tingin ko sa tiyan ko nang makaramdam ng kirot. Halos mawalan ako nang pag-asa at napasigaw nang makita ang dugo sa binti ko na dumadaloy mula sa gitna ng hita ko. Halo ng dugo ang tubig ng ulan na kumalat sa paligid ko.

"B-Brent! Brent!" pagsisigaw ko. "Tulong! Tulong!" Iyak ko habang hawak hawak ang tiyan.

No baby. Please don't leave me too.

"Tulong..." huli kong sambit bago dumilim ang paligid at mawalan ng malay.

Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari pero nagising na lamang ako sa isang puting silid.

"Aleshca's awake!" Boses ni Nath.

Naramdaman ko ang mabilis na paglapit ng mga taong nasa loob ng silid sa kama ko.

"Aleshca, anak!" Naiiyak na lumapit sa akin si Tita. "I'm glad you're awake-"

Nanlaki ang mata ko nang maalala ang baby ko.

"'Yong baby ko..." Natigilan ito. "'Yong anak ko..." naiiyak kong sambit.

"Shh, let's wait for the doctor—"

"I'm here, thank you for waiting," Pumasok ang doktor at lumapit sa kama ko.

He sighed a bit.

"Malakas naman ang kapit ng bata pero... You'll have to be really careful since this is your first trimester. Umiwas ka sa stress, lagi kang kumain ng masusustansyang pagkain at uminom ng vitamins na magpapalakas lalo sa kapit ng bata. Mabuti nalang at agad kang dinala rito dahil kung natagalan ay baka..." Bumuntong-hininga siya. "Nevermind. 'Wag kang mag-isip ng kahit ano na puwedeng maging dahilan ng stress mo. Who's the husband? I have to—"

"Iniwan siya ng asawa niya, Doc. Kaya ako nalang ang kausapin mo," malamig na sambit ni Nath.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
EmotionlessMissK
Love it! Highly recommended!
2025-07-31 08:26:34
0
43 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status