THIRD PERSON'S POVThree months later.Tatlong buwan na simula nang ma-hospital si Aello dahil sa bali niya sa binti. Tatlong buwan na rin siyang nasa loob lang ng mansyon niya't walang ibang ginagawa kundi ang manuod sa kakaibang kagamitan na ipinakilala sa kaniya noon ni Psikh. Base sa lalaki, ang tawag daw sa kagamitan na ito ay television o T.V. Noong una ay naguguluhan at manghang-mangha pa si Aello dahil may mga tao sa loob, pero kalaunan ay naintindihan at nasanay na lang din siya. Hindi niya inaksaya pa ang oras niya para alamin kung paano ito gumagana, sa halip ay ine-enjoy niya na lamang ang bawat palabas na napapanuod niya. Dumako ang paningin ni Aello sa kanang binti niya na nakabalot sa kung anong mabigat na bagay. Kulay puti iyon at talaga namang makati, pero hindi niya naman magawang tanggalin lalo na't sinasakyan niya ang mga nangyayari dahil nagugustuhan niya ang trato sa kaniya ni Psikh simula ng makalabas siya galing sa hospit
최신 업데이트 : 2026-02-10 더 보기