“You said you wanted to taste freedom, right? Then, allow me to show you what freedom tastes like.” — Kirill Yevgenyevich Ivanov — Nang nakawin ni Anastasia ang pitaka ni Kirill Ivanov, akala niya'y pera lamang ang mawawala sa bilyonaryo. Pero maling-mali siya. Dahil ang tunay na ninakaw niya ay ang atensyon ng lalaki—isang pagkakamaling magiging sanhi ng panibagong yugto ng buhay niya. Sa liblib na isla na pagmamay-ari ni Kirill, paniniwala niya ay kamatayan na ang magiging kabayaran ng kaniyang mga kasalanan. Ngunit laking gulat niya nang nagdesisyon itong gawin siyang sekretarya. Inaakala niyang lumambot na ang puso ng binata, pero kalaunan ay nalaman niyang patibong lang pala ang lahat, isang bitag. Kirill doesn’t want revenge—he wants ownership. Her body, bound by lies that taste like devotion. Her mind, poisoned by secrets only his hands can unravel. Her soul, seduced by promises of freedom… a deceptive illusion. But when a forbidden spark ignites between predator and prey, their twisted passion threatens to shatter the line between salvation and damnation. Pero hanggang kailangan ba mahuhumaling si Tasia sa ipinagbabawal na lasa ng sarap na ipinalalasap ni Kirill? How much can Kirill destroy just to claim what’s his? Their story is a lethal game of desire and deceit, where love wears the face of ruin— and surrender might be the deadliest sin of all. “Starting tomorrow, you’ll be my secretary. My shadow. You’ll fetch my coffee and file the receipts for the men I bury. And every night, you’ll sit across from me at dinner, wearing the dresses I choose, eating the food I allow… and wondering when I’ll finally snap.” — Kirill Yevgenyevich Ivanov
Lihat lebih banyakWARNING: ANG STORYA PO NA ITO AY HINDI ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. It contains matured and explicit contents. Please read at your risks.
ANASTASIA Akala ko ay nakaayon na sa plano ko ang lahat. Akala ko ay magagawa ko nang magsimula ng panibagong buhay na kung saan ay hindi ko na kailangan pang magtrabaho para sa mga taong ginagamit lang ang kahinaan ko. Akala ko ay malaya na ako. Pero mukhang, hanggang pangarap na lang ang kalayaan na 'yon. Nanunuot sa ilong ko ang amoy ng dagat na nakapalibot sa akin. Nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa malamig at bakal na railing ng yateng kinalalagyan ko. Parang sumasabay pa sa kabadong paglunok ko ang bawat hampas ng alon sa yate. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Ramdam ko ang titig niya—no, kitang-kita ko kung sa paanong paraan niya ako tignan. Pakiramdam ko'y hinahagod ng tingin niya ang bawat parte ng katawan ko. Parang ang kabuuan ko ngayon na nasa harapan niya ay nagbibigay ng kaligayahan sa buong sistema niya. Marahil dahil nasa harap niya na ang babaeng pinaikot siya't ninakawan pa? Tingin pa lang ay nakakapanindig balahibo na. Idagdag pa ang pagtawa niyang nanunuot na sa tenga ko. He felt like a different person, ibang-iba sa lalaking nakasalo ko sa kama. He's Kirill Yevgenyevich Ivanov, my latest target. Desperada na akong makatakas mula sa mga loan shark. Sa loob ng tatlong taon, nagtrabaho ako bilang miyembro ng isang malakihang pagnanakaw, ngunit hindi ko pa rin nababayaran ang halos isang milyong utang na iniwan ng aking ex. Dahil dito, nagdesisyon akong mag-take ng risk sa isang solo misyon, at si Kirill ang naging target ko. Pero mukhang walang kalayaan na magaganap. Dahil andito siya ngayon sa harapan ko. Hindi pa siya nagsasalita simula kanina nang magising ako. Hindi niya na kailangan pa. Dahil ang simpleng tunog ng paghagod lang ng long-sleeve polo niya sa deck ay sapat na para para maukit ang buong pagkatao niya sa buto ko. I thought I'd get away even if I steal a billionaire's wallet and ring that night. Akala ko'y ang mga taong katulad niya ay wala nang pakialam kahit pa mawalan sila ng wallet. Nakakatawa, dahil ang dapat ay huling pagnanakaw na ginawa ko ay siya rin pa lang magpapahamak pa sa akin. Mukhang hindi lang ang pera at alahas niya ang ninakaw ko. Siguradong ang atensyon niya rin. Siguro ay kasalanan ko rin? Hinukay ko ang sarili kong libingan sa oras na hindi ko inalam ang buong pagkatao niya. All I know is that he's a billionaire who's hobbies are bar hopping and frequently changing his woman. Hinayaan ko pang kunin niya ang virginity ko para lang sa plano. Kagat-labi akong nagbaba ng tingin. Pero wala pang limang segundo pa ay nagsalita siya. “Look at me,” maawtoridad niyang utos. His tone are different compared to that night. He's not gentle anymore. His playfulness and sly tone are gone. Ginawa ko ang sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. Hinahangin pa ang buhok ko't humaharang sa mukha ko pero hindi ko 'yon hinawi. Hinayaan kong ang mga mata ko lang ang makita niya. Takot? Oo. Pero hindi niya malalaman 'yun. Looking at him now—ang kanyang hitsurang parang hinugot pa mula sa Greek mythology. Ang piercing niyang itim na diamante sa ibabang labi ay kumikinang na parang talim ng yelo, sumasalamin sa bawat kibot ng ngiti niyang pilyo. Ipinagkaloob din sa kanya ang gintong buhok na tila ba'y sinag ng araw sa gitna ng Russian winter, at ang mga matang bughaw na nangangako ng kalaliman—isang karagataang kayang lunurin ang sinumang magnasang sumisid. Oo, marami siyang naaakit na babae. Pero hindi dahil sa kanyang mukha. Ang totoo, ang mga mata niya’y may lamang lason: isang halimaw na nakatayo sa katauhan ng prinsipe. Bawat kislap ng piercing niya’y parang kutsilyong nakatihaya sa balat mo, at ang tinig niya’y bulong ng sirena sa dagat ng Siberia—nakakalunod, nakamamatay, pero walang takas. Nakatayo lang si Kirill at tumatama pa sa kaniya ang papalubog na sikat ng araw. Wala siyang tie na suot, tanging white long sleeve polo lang na nakarolyo hanggang siko niya, at hindi pa nakasara ang tatlong butones—nagbubunyag ng mala-diyos na linya ng kanyang balikat. “You’re wondering why I haven’t thrown you to the sharks,” saad niya. Lakas loob naman akong ngumisi. “Naghihintay ka mag-low tide. Less blood to clean.” Magpapanggap na lang akong matapang para hindi ako mukhang kawawa. Kumislap ang kulay asul at malamig niyang mga mata. Mukhang na-amazed siya sa sinabi ko. “Clever girl,” bulong niya, bago siya dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. Nang makalapit na siya ay halos lamunin ako ng mabango at panlalaking pabango niya. Amoy pa lang, siguradong mamahalin na. “But wrong. I want you awake when I break you.” Huminto ang yate matapos niyang magsalita. Nawalan ako ng balanse at napahawak sa dibdib niya. Ramdam ko ang tibok ng puso niya sa palad ko. Normal lang, hindi tulad ng akin na halos lumabas na sa ribcage ko. Parang normal lang sa kaniya na may kinidnap siyang babae. Walang kaba, kalmado lang. Tama nga ang hinala ko. Wala siyang plano na patayin ako, pero wala rin siyang plano na pakawalan ako. He sees me as a plaything. Ginalaw ko ang kamay ko't hindi sinasadyang masagi ang nipple niya. Bumuga siya ng mabigat na hininga't hinawakan ang baba ko gamit ang hinlalaki niya. “You’ll work for me,” pinal na sabi niya, and it wasn’t a request. “Bilang ano??” anas ko. “Your whore?” Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng labi niya. “Masyadong madali. Hmm... I want you on your knees begging to be my whore.” Ginalaw niya ang hinlalaki niya't mas umangat pa, idinampi niya ito sa ibabang labi ko. “Starting tomorrow, you’ll be my secretary. My shadow. You’ll fetch my coffee and file the receipts for the men I bury. And every night, you’ll sit across from me at dinner, wearing the dresses I choose, eating the food I allow… and wondering when I’ll finally snap.” Hindi makapaniwalang natawa ako't kumawala sa kaniya. “Go to hell, Kirill.” Dinuraan ko ang paa niya. Kirill didn’t flinch. Hinuli niya ang pulsuhan ko. Nanlaban pa ako pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “Careful, love. You’ll make me fall in love.”ANASTASIA Habang sinisimulan ni Carla ang paglalagay ng primer sa mukha ko, ramdam ko ang dahan-dahang pag-ikot ng brush sa balat ko. Malamig ang gel texture, pero ang gaan sa pakiramdam. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang masusi na ekspresyon ni Carla. Para siyang isang pintor na handang gumawa ng obra maestra gamit ang mukha ko. “Ma'am, flawless ang skin texture niyo. Sana all!” biro niya habang pinapahigis heart pa ang sarili niya sa hangin. Napatawa ako, pero agad niyang sinaway. “Wag po galawin ang lips, ma'am. Baka mag-smudge.”Sa gilid naman ang ay beki na ang pangalan daw ay Shawy. Ang hairstylist na mat neon pink na undercut hair. Abala siyang inaayos ang mga gamit na gagamitin niya. May dala-dala siyang portable steamer at curling iron na mukhang high-tech. “Ma'am, since simple lang ang makeup look, suggest ko voluminous waves para balance. Para kang modern-day Maria Clara meets Hollywood royalty. Charot!” napaka-jolly na sabi niya. Natawa naman ako. “Go lang! Bas
ANASTASIA “Ayoko niyannnn!” ang malakas na sigaw ko ang dumagundong sa loob ng kwarto namin ni Kirill. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa revealing dress na hawak ni Kirill. Silk ang type 'non at talaga namang kulay pula pa! “Give me a reason,” aniya. Parang hinahamon niya ako kaya naman napangiti ako. Napamewang pa ako sa harapan ni Kirill. Ako pa talaga ang hinamon mo ha? 'Di mo yata alam na kuha ko ang kiliti mo pag dating sa akin, Kirill. Nagkunwari akong nagiisip ng malalim. Nakalapat pa ang hintuturong daliri ko sa labi ko habang ginagawa ko 'to para makadagdag ng charisma ko. “I mean... gusto kong ikaw lang ang nakakakita ng kabuuan ng katawan ko Kirill. I want my body to be exclusive for you. Ayaw mo ba 'yon?” Kunwari akong bumuntong hininga. “Gusto mo bang pinagtitinginan ng ibang lalaki ang katawan ko na dapat ay para lang sa'yo?” pagdadahilan ko pa ulit. Kitang-kita ko kung paanong nawala ang pilyong ngiti sa labi ni Kirill. Talagang dahan-dahang nandilim
ANASTASIA “Bakit hindi mo na sinagot ulit ang tawag ko?” Napalingon ako sa taong nagsalita. Dahan-dahan akong umayos nang upo at kinukusot pa ang mga mata ko dahil nakadukdok ang ulo ko kanina sa lamesa habang imiidlip. Naalimpungatan lang talaga ako dahil sa lalaking 'to. Agad na nangunot ang noo ko dahil nanlalabo ang paningin ko. “Ang tagal mo naman? Bakit ngayon ka lang?” agad na tanong ko sa kaniya. “Have some errands —”“Errands mo mukha mo.” Tinarayan ko siya. “Baka may iba ka nang kinikita—” Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko dahil tinikom ko na ang bibig ko.Gustong-gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kung ano-ano na namang sinasabi ko. “Hmm? Bakit parang nami-miss mo naman yata ako agad? Could it be that—takot kang may ibang babae akong kitain—”Malakas na hinampas ko ang lamesa. “Sinong takot?!” wala sa sariling pasigaw na sabi ko. “Hindi ako takot 'no. Nagpapanggap lang ako kunwari, umaakto na fiancé mo talaga. And you know what?” Bumuntong hininga ako at
ANASTASIA It's been a week matapos ang nangyaring trahedya sa Coto. Na ang dapat ay masaya at nakaka-enjoy na team building para kela Anya at Silvia—nauwing traumatizing.Andito ako ngayon sa loob ng office namin ni Kirill. Inaasikaso ang mga papeles na may kinalaman sa kita ng company.“Na saan na ba 'yon? Ang tagal niya naman,” bulong ko sa hangin nang dumako ang tingin ko sa table niya. Umalis kasi si Kirill. May gusto pa naman akong linawin about dito sa mga papers, kaya lang ay wala naman siya para mapagtanungan ko. Idagdag pang hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta. Umalis lang na nakangiti with matching paalam na may aasikasuhin daw pero hindi full ang details. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga papeles. Nilagyan ko 'yon ng mga pirma at iba pa, as a sign na nakita ko na. Ang need na lang ay ang pirma ni Kirill. Nasa ganoong sitwasyon ako nang bigla na lamang mag-ring ng malakas ang cellphone kong pilit na binigay sa akin ni Kirill. Inabot ko 'yon mula
ANASTASIA Naupo si Kirill sa upuang nasa gilid ng kama. Feeling ko ay nasa hospital ako. Pero feeling ko rin naman ay hindi.Hindi naman nagsalita si Kirill. Hindi niya sinimulan ang conversation namin, at hindi rin naman ako makapag-focus sa pagtatanong dahil mayroon akong naririnig na mga naguusap sa gilid. Parang mga lalaki sila, base sa mababa nilang boses. Nakaharang 'din kasi si Kirill kaya hindi ko rin naman sila makita ng direkta. “Are they bothering you?” biglang tanong niya sa akin. Nalipat ang atensyon at tingin ko sa kaniya matapos kong marinig ang sinabi niya. Nagsasalubong ang kilay niya ngayon, para bang hindi niya gustong wala sa kaniya ang atensyon ko. At hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o ano. Umiling-iling ako. “No, really. I'm fine with it,” agad na sagot ko. Humugot pa ako ng malalim na hininga, pero nanahimik na naman ako. Nire-recall ko kasi ang mga nangyari at dahilan kung paano ako nauwi sa ganitong sitwasyon. And when I finally remembered everyth
ANASTASIA “Tasia!” nagaalalang sigaw ni Silvia habang sinusubukan niyang kumawala. “No! W-Wag kang gagalaw, Silvia!” suway ko naman sa kaniya. Nakinig naman siya sa sinabi ko, kaya medyo naging kampante ako. De bale nang ako ang mapahamak, kesa sila ni Anya na wala namang kinalaman sa mga dahil kung bakit nangyayari ngayon 'to. Dahan-dahan na nila akong inatake. Gusto kong gamitin ang baril, pero masyado akong kabado kaya imbis na paputukin 'yon—ay binato ko na lang 'yon sa pinakamalapit sa akin. At hindi naman ako nagkamaling gawin 'yon dahil tinamaan siya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Wala naman akong planong iwan sina Anya at Silvia. Pero kailangan ko munang hanapin si Kirill. Dahil siya lang ang naiisip kong makakatulong sa akin. “Kirill?! Letse ka, Kirill!” malakas na sigaw ko habang lumilinga-linga na sa paligid. “Where are you?! Na saan ka ngayong kailangan kita?!” malakas na sigaw ko na naman.Para na akong mababaliw dahil sa mga random na pangyayari. Gusto k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen