THIRD PERSON'S POV"I miss you so much, Death. Walang mga araw na hindi kita naiisip. For pete's sake, I always end up crying whenever I think about you babe." "Impakta talaga." Napaawang na lamang ang labi ni Aello matapos marinig ang mahinang bulong ni Nay Jackie. Lukot pa rin ang mukha nito't mukhang gigil na gigil pa rin sa babae na ang pangalan ay Charity. Kasalukuyang nasa salas ang babae kasama sina Psikh at Sebastian na mukhang may importanteng pinaguusapan. At wala namang tigil sa kakakuda si Charity habang nakaupo ito sa tabi ni Psikh. Sobrang lakas ng boses nito at abot hanggang sa kusina iyon, kaya naman rinig na rinig nina Aello at Nay Jackie na kasalukuyang nakatambay lang sa kusina. "Nakakainis ang impaktang 'yon, saan kaya siya nakakakuha ng lakas ng loob? Aatakihin ata ako sa puso dahil hindi ko kinakaya ang kakapalan ng mukha niya! Mas makapal pa yata sa balat ng kalabaw, nako, nako!" Alanganing natat
Read more