"I'll take you both home, iuuwi ko na kayo." anito. Napanganga si Lore, akmang aatras pero agad na hinawakan ni Knight ang kamay niya— mahigpit kasabay ng taimtim na tingin nito sa kan'yang mga mata. "Please... don't leave me, this time..." mahinahong saad ni Knight, malalim ang boses nito, parang dindama nito ang bawat salita. Ramdam ni Lore ang bigat ng mga sinabi niya kaya napalunok siya ng sunod sunod. Hindi siya sumagot, wala ring indikasyon ng muling pag atras. Kaya maharan siyang hinila ni Knight, inalalayan itong makasakay sa chopper. Hindi na niya naiintindihan ang mga nagiging desisyon niya— lahat, alam niyang makakasakit ito sa asawa niya na alam niyang nandito na. Pero may kung anong tumutulak sa isip niya— sa puso niya na sumama kay Knight, na parang nawalan siya gn paki-alam kay Niro, sa lalaking bumuo ng buhay niya sa loob ng limang taon. Inabot ni Knight sa kan'ya si Lexus, kaya pinaupo niya ito sa kandungan niya, "Mommy, where are we going?" tanong ng bata sa ka
Last Updated : 2025-10-14 Read more