"Your gem is worth a billion, Eleanor. Better pay off that worth." Eleanor, isang simpleng dalaga na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nilako sa isang auction, and she is — Sold To The Billionaire.
View MoreSOLD TO THE BILLIONAIRE
°°°
WARNING !!
This book contains detailed descriptions of sexual activity, including BDSM, kink, power dynamics, and scenes that may involve non-consensual or dubiously consensual encounters. These scenes can be intense and may be distressing to some readers. Reader discretion is strongly advised.
°°°
Suot ni Eleanor ang isang seksing itim na gown. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan, kaya kitang kita ang kurba ng kan'yang beywang. Bukod pa rito, pinuno siya ni Don Constantino ng mga alahas– tunay man o peke, ay dumagdag ito sa kan'yang kagandahan.
Mabilis ang tibok ng puso niya nang tawagin siya ni Don Constantino, ang totoo ay wala siyang ediya kung bakit sila nasa ganitong lugar. Ang tanging sinabi lang sa kan'ya ng Don ay magtatrabaho siya para rito. Magtatrabaho. Pero ano ang ibig sabihin nito? "Bilisan mo!" utos nito na agad niyang sinunod kahit pa nangangatog ang mga tuhod. Nang nasa harap na siya ng Don, ay hinila siya nito palabas ng backstage. Sinalubong siya ng spotlight na nakatapat mismo sa kan'ya. Nakakasilaw, ngunit nakikita parin ni Eleanor ang napakaraming tao sa harap ng entablado, sa harap niya – karamihan ay matatandang lalaki at tila mayayaman."Our main course for tonight!" anunsyo ni Don Constantino sa mikropono na lalong nagpaexcite sa buong lugar. Hindi niya maintindihan. Gulong-gulo ang isipan niya, ngunit sa kabila ng takot, nangingibabaw ang kanyang taglay na ganda. Para siyang isang anghel na naligaw sa impyerno. "For the starting price… five million pesos!" sigaw ng isang lalaki sa tabi ni Don Constantino."Ten million!" ang sagot ng isang matandang lalaki, mabilis pa sa alaskwarto itong tumayo gamit ang kan'yang baston. "Fifteen million!" sa pagkakataong ito, isang matabang lalaki ang sumigaw, habang pinupunasan ang pawis sa noo. Bakit? Bakit nagsisigawan ng ganoong kalalaking halaga? Saan papunta ang lahat ng ito? Napalingon siya kay Don Constantino, at doon niya nakita ang pilyong ngiti nito. Ibinebenta ba niya ako? Bigla siyang hinintakutan, parang binuhusan ng nagyeyelong tubig na nagdulot ng panlalamig sa kanyang buong katawan. Hindi siya makagalaw at tila naparalisa sa takot. Sa bawat presyong sinisigaw, ay mas lalong pagpapadagdag ang kan'yang kaba. "Twenty million!" "Twenty-five million!" Ang lugar na iyon ay naging isang palengke, at para siyang panindang pinag-aagawan ng mga lalaking hayok sa laman."One billion!" Katahimikan. Nabingi ang lahat, kasama na si Eleanor. Lahat ng mata ay bumaling sa pinanggalingan ng boses. Sa isang tabi, sa pinakataas, may isang lalaking nakasuot ng itim na polo. Dahan-dahan itong bumaba, ang mga yapak lamang nito ang tangin ingay na naririnig sa buong lugar."One Billion?" tanong ni Don Constanstino na nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala sa narinig."She's mine!" hanggang sa tuluyan na itong nakababa at nasa harap na mismo ni Eleanor. Si Knight Andrie, isa sa pinakamayamang lalaki sa buong Pilipinas. Isa itong bilyonaryo na hindi dahil sa pamana kundi purong pagsisikap. Meron itong fiancée na siyang hahanapan niya ng pangregalo sa auction na ito. Ngunit ibang hiyas ang pumukaw sa kan'yang atensyon. Na para bang sa unang tingin ay nabihag kaagad ng magandang dalaga ang mga kan'yang mga mata. Si Eleanor naman ay hindi makapaniwala, nasa harap niya ang isang napakakisig na lalaki, hindi katandaan at hindi rin mukhang hayok sa laman. "Eleanor Lualhati, a virgin probinsyana, Sold to the Billionaire!""K-Knight..." narinig ni Knight ang tila tarantang boses ni Flor, kaya sandali siyang tumingin sa rearview mirror. Nanlaki ang mata niya, binalot ng takot at gumapang ang matinding kaba sa dibdib niya, "Fuck! Bakit may dugo?" tarantang tanong niya. Dahil do'n mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Kinukutuban siya ng masama. Hindi simpleng mga pasa lang ang inaabot ni Fara sa kamay ni Don Rafael. "M..may dugo.. lumalabas sa tainga niya, Knight! Bilisan mo!" naiiyak na saad ng nanay ni Fara. Bakas din sa mukha nito ang takot sa nangyayari sa anak niya. Fuck. Fuck! Mura ng mura si Knight sa isip niya, dinadaga ang puso niya sa sobrang kaba. 'What the fuck is happening? Ba't nagkagano'n si Fara?' tanong niya sa isip niya. Hindi nagtagal ay nakaabot din sila ss ospital, agad silang sinalubong ng mga nurses at doctor. "Kami na po ang bahala, dito lang po kayo!" pigil ng doctor sa kanila ni Flor kaya naiwan silang nakatayo sa labas ng pinto ng emergency room. Natutop niya ang sin
He kissed her, he kissed her softly. Puno ng pagmamahal, puno ng pag-iingat. Kagaya ng dati, kagaya ng nagmamahalan pa sila. Mainit. Malumalay. Isang segundong pagdampi ng labi nila, hanggang sa mismong si Fara ang kumalas dito. Ngumiti ito ulit ng mapakla. "I want to rest na, love, gusto ko ng magpahinga..." anito at yumuko. Pero kitang-kita ni Knight ang pagdausdos ng mga luha nito. 'Magpahinga...' sa isip ni Fara. Sa lahat. Sa lahat ng sakit. "Love... I'm s-sorry..." utal niyang paghingi ng tawad. "I wish, I could just see her—" hindi natapos ni Fara ang sasabihin niya. Napatigil siya ng maramdaman na naman niya ang pag-ikot ng paningin niya, sinapo niya ang sintido niya. Agad naman siyang hinawakan ni Knight sa balikat, "Love, are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Hanggang sa unti-unting nagdilim ang paligid. Mabuti nalang at mabilis si Knight, nasalo niya ito bago pa man ito mawalan ng malay. "Fuck!" usal niya. Agad na tumawag ng saklolo si Knight, duma
"Talagang hindi Kit— o Knight! O sino ka man." binitawan nito ang kwelyo niya, tumalikod at itinutop ang kamay sa pader. "Papanagutan mo ang anak ko, pakakasalan mo siya!" Bumuntong hininga si Knight, he knows this will happen, "Gagawin ko po," magalang niyang saad. "Papakasalan ko po si Eleanor," sunod niyang pahayag ng walang pag-aalinlangan. Nakapagpasya na siya, aayusin niya ang gusot sa kaso ni Fara. Babawiin si Eleanor at yayain itong magpakasal— sa ayaw at sa gusto nito. Making sure she won't run away again. "Marami lang akon kailangan pang ayusin, kailangan asikasuhin. Babalik po ako ulit. Isasama ko po siya sa pagbalik ko, pormal ko pong hihingiin ang kamay niya sa inyo." Mahabang saad nito. Kasunod noon ang paglunok niya ng laway, handa siyang pakasalan si Eleanor pero si Fara, paano niya ipapaliwanag kay Fara. Paano niya sasabihin na imbes ito, ay iba ang papakasalan niya, na iba ang bubuuin niyang pamilya. Kumirot saglit ang puso niya, iniisip kung gaano masasakt
"Dinner is ready." saad ni Niro habang nakatayo sa bungad ng pintuan ng kwarto ni Eleanor. Tinigna siya nito at bahagyang nginitian. Ikalawang araw na nila ngayon sa rest house ni Niro. Sa dalawang araw na iyon ay hindi man lang siya hinayaan ni Niro na gumawa ng kahit anong gawaing bahay, mula sa pagluluto hanggang sa pag-aayos ng pinagkakainan nila. Lahat si Niro ang gumagawa, nagpas'ya rin kasi si Niro na pauwiin muna ang kan'yang caretaker pagkatapos niya itong utusan na bumili ng mga iba pang gamit na kailangan nila mula sa damit ni Eleanor pati narin ang stock ng pagkain nila. Hindi alam ni Eleanor kung hanggang kelan sila doon, hanggang kailan siya magtatago kay Knight, kahit pa alam niyang marami itong paraan para lang mahanap siya. "Sige po, lalabas na." nakangiti niyang saad saka tumayo sa kama niyang gawa sa kawayan na pinalambot ng foam. Ngumiti naman pabalik si Niro sa kan'ya, bumuntong hininga nalang siya. Unti-unting napapanatag ang loob niya dito. Ibang-iba si N
Dahan-dahang nagmulat ang mga mata ni Eleanor nang maramdaman ng kakaibang init sa gilid ng kan'yang mga labi. Halos manlaki ang mata niya— hinahalikan siya ni Niro, pero hindi sa mismong labi niya kundi sa pinakagilid na parte lang nito, "N-niro..." mahinang saad niya para malaman ng lalaking gising na siya. Bigla namang bumalik sa katinuan si Niro, agad na inilayo ang sarili kay Eleanor, "S-sorry..." agad na paghingi niya ng tawad. "Nandito na pala tayo..." ani Eleanor at nilibot na lamang ang tingin sa labas para makaiwas sa ilang na nararamdaman niya. "Yes, let's go." sagot naman ni Niro, nauna itong lumabas para pagbuksan pinto si Eleanor. Inalalayan niya itong bumaba, hinapit ang beywang niya na puno ng pag-iingat. "Ang ganda..." mahina at wala sa sariling bulalas ni Eleanor, nasa tapat siya ngayon ng isang may kalakihang bahay pero gawa sa kawayan. Pinalilubutan ng mga puno ng niyog at ilang metro lang ang layo sa mismong dagat. Dumampi sa kan'yang balat ang malamig na ha
"Love, what really happened?" Nakita niya ang biglang pagbabago ng mukha ng kan'yang fiancee at yumuko na parang hindi pa handang magsalita. Bumabalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga pangyayari, habang kanyang bibig ay nanatiling tikom, nagpipigil ng anumang salita na maaaring makapagpabigat pa sa kanyang nararamdaman. Unti-unting pumapasok sa kanyang isipan ang lahat ng pinagdaanan niya, na para bang kahapon lamang nangyari ang mga ito. Ang bawat detalye ay malinaw at sariwa sa kanyang memorya— isang bangungot na nangyari sa buhay niya. "For starting price, Ten Million Pesos!" rinig niyang sigaw ng announcer na umalingaw-ngaw sa buong lugar. Napatingin siyang muli sa paligid, lahat ng naroon ay masasabi niyang mayayaman, lahat kalalakihan. Mga lalaking hayok sa pisikal ng pangangailangan at tawag ng laman— mga lalaking propisyonal tignan pero ang mga tingin ay puno ng kalibugan. Napalunok si Fara, mabilis ang pag tibok ng puso niya. Gustong-gusto niyang kumawala o tum
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments