TWO WEEKS AGO “Ate!” isang sigaw ang pumukaw sa atensyon ni Eleanor habang nag-aayos ng kan'yang mga paninda. Napatingin siya rito, lumapad ang kan'yang ngiti nang makita ang apat na taong gulang niyang kapatid kasama ang kan'yang ama. "Sundo ka namin, ate." an'ya ng kan'yang batang kapatid. Ngumiti siya at lumapit rito saka ginulo ang buhok nito. "Naku, ang sabihin mo gusto mo lang ng magpabili ng gusto mong ulam ngayon," natatawang sagot ni Eleanor. "Kanina pa nga yan umiiyak simula ng makauwi kami galing bukid, an'ya'y susunduin ka kaya ito, hindi mapigil." paliwanag ng kan'yang ama. MAHIRAP ngunit masaya ang pamumuhay nina Eleanor, kasama ang kan'yang ama at kapatid. Nakakaraos sila sa pang-araw araw na buhay, si Eleanor ay hindi na nakapagkolehiyo at napili na lamang mag trabaho sa palengke nang makatapos ito ng highschool. Ang kan'ya ama naman ay isang magsasaka sa sakahan ni Don Constantino kaya't kahit papano ay hindi sila namomroblema sa pagkain. Ang tanging tinik lam
Last Updated : 2025-08-04 Read more