"No mommy, I want to play with tito Knight..." saad ng bata, napangiti dahil doon si Knight. "No baby, tito Knight is busy—" "No, I'm not." agad na putol ni Knight. "Ano ba, hindi mo ba kami lulubayan?" mahina at mahinanong saad ni Lore dahil nasa harap siya ng anak niya. "Lexus just wanna play with me, wala naman sigurong masama do'n," sagot ni Knight habang nakangisi. Bumuga ng hangin si Lore, "Fine." Napahiyaw naman si Lexus dahil sa tuwa, lumapad rin ang ngiti ni Knight, nagsimula ng maglakad si Knight pabalik sa swing. Sa bawat hakbang palayo ni Knight, parang nag-iiba ang paningin ni Lore, her sight blurs, parang nanaginip siya ng dilat, isang lalaking may kargang bata— hindi niya masyadong maaninag ang mga mukha nito pero gano'ong gano'n. Lalaking kasing tindig ni Knight na may kargang bata— hindi si Lexus, kasing laki nito pero hindi niya makita ng maayos ang mukha. Sandali siyang umiling! Mabilis ang tibok ng puso niya, napalunok— ano 'yon? Ano yung halluci
Last Updated : 2025-10-11 Read more