Isang katok ang pumukaw sa atens'yon ni Knight, "Come in." he said. Sandaling bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang taong kilalang-kilala niya, si Mr. Nickson. "Mr. Andrie," bungad nito. Tumingin ng makahulugan kay Knight, "Seat," sagot naman ni Knight— biglang nakaramdam ng excitement, may nalaman na ba ito? Dalawang araw palang ang lumipas ng inutusan niya ito. Talagang maasahan si Mr. Nickson, sa isip niya. Umupo si Mr. Nickson sa upuan sa harap niya, naisandal naman ni Knight ang likod sa kan'yang upuan, naitutop ang hintuturo sa labi niya, naghihintay sa sasabihin nito. "Room 178, the last room in the 2nd floor of ValdiGarl'n Five Star Hotel, is a VIP room..." panimula nito, inilapag sa mesa ni Knight ang larawan kuha ang isang babae at isang bata, sandaling inabot ni Knight ang picture, tinitigan ito ng mabuti, talagang hawig na hawig si Eleanor sa babaeng nasa picture. At ang bata... iba ang nararamdaman niya. Lumalakas lalo ang kutob niya. "Her name is Lorelei, and t
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-07 อ่านเพิ่มเติม