CHAPTER 68 “Dad?” he answered. “Ahmed, where are you? Nasa opisina ka pa ba?” “No, I’m—” “Good. Dumiretso ka sa Ancestral House. I need to talk to you about an important matter.” “Dad, I have—” “Just this one, Ahmed. This will be quick. This is very important,” walang kasing-seryoso nitong wika at saka nawala sa kabilang linya. Madadaanan niya muna ang Ancestral House bago siya makarating sa AH Firm building. Minabuti niyang dumaan na lang muna sa Ancestral House. Nagpadala siya ng text kay Ri na mahuhuli siya ng ilang minuto. His Dad has been pestering him about staying at the Ancestral House. Madalas siya nitong sinasabihan na pumunta roon na palagi niyang tinatanggihan dahil ano naman ang gagawin niya sa bahay na iyon? Sinalubong siya ni Louie sa front door. Yumuko ito sa kanya bago tila may gustong iparating ang mga mata nito. “Is there a problem, Louie?” Ilang segundo bago nakasagot sa kanya ang driver. “None, Sir.” Ahmed decided to let it go. “Where’s Dad?”
Last Updated : 2025-10-25 Read more