CHAPTER 6 Parang pinupukpok ng martilyo ang kanyang ulo nang magising kinabukasan. Nasa living room siya ng penthouse at suot niya pa rin ang damit mula kahapon. “Gising na pala kayo, Ma’am,” wika ng bagong kasambahay na Pilipina rin. “Ito po para sa hangover.” Kinuha niya ang inabot nito. “Thank you, Ate Glo. Pasensya na pala na nakita mo akong lasing kagabi.” “Naku, Ma’am. Bakit kayo humihingi ng pasensya, eh, amo ko kayo. Saka sanay na ako. Iyong Tatay ng anak ko, medyo nakakaangat din sa buhay kaya lang lasenggo rin.” “Taga-saan po kayo sa Pilipinas?” “Metro-Manila lang. Lagomoy ang pangalan ng barangay. Kapag umuwi ka, dalaw ka sa amin.” Tipid niya itong nginitian. “Siya nga pala, Ma’am. Kagabi, umuwi si Sir Ahmed. Akala ko nga inilipat ka sa kwarto kasi nadaanan ko na binubuhat ka.” Parang nawala bigla ang sakit ng kanyang ulo. “Umuwi siya?!” Gulat, tumango ito. “Anong oras siya umalis kanina?” “Kagabi po siya umalis. Papabalik na po ako sa Quarters nang na
Terakhir Diperbarui : 2025-08-05 Baca selengkapnya