“XYZA, PLEASE. Wala ako sa mood na makipagtalo sa ‘yo,” tila sumusukong sambit ng binata.“Hindi naman ako nakikipagtalo sa ‘yo, Flint. Ang sa ‘kin lang naman, inilalabas ko ‘yong sama ng loob ko sa ginawa sa ‘kin nung Jenni na ‘yon! Pakiramdam ko kasi, mas kinakampihan mo pa siya kaysa sa ‘kin, eh! Sabagay, ano ba naman ang laban ko roon, eh, matagal mo na siyang kilala at nakakasama. Samantalang ako, ilang buwan pa lang,” puno ng hinanakit na sambit niya.Lumapit naman sa kanya si Flint at kinabig siya, dinala nito ang ulo niya sa malapad nitong dibdib, at isinandal nito iyon doon.“Xyza, baby. Hindi naman sa kinakampihan ko si Jenni, baka nagkamali ka lang talaga ng akala na tinitingnan ka niya ng masama kanina,” malambing na sambit nito kasabay ng paghalik sa tuktok ng kanyang buhok.Bigla na lang siyang umiyak at napahikbi, hindi niya alam kung ang dahilan ba ay dahil hindi siya nito pinaniniwalaan, o ang pakiramdam na gusto siya nitong intindihin.“N-nagsasabi naman kasi ako ng
Last Updated : 2025-09-03 Read more