KAHIT NA nakipagtalo pa siya kay Xyza bago umalis ng bahay, ay maaga pa rin siyang nakarating sa site, kung saan ay pagtatayuan ito ng luxury hotel. Nauna nang dumating ang proyektong ito sa kanila bago pa ang Inter-Island Bridge.Hindi siya na-satisfied sa nakaraang pagbisita niya rito dahil biglaan iyon, at marami pa siyang hindi napag-aaralan doon, kaya naman ngayon ay muli niya itong binisita.Wala pang construction na nangyayari sa nasabing lugar, wala pang hukay, wala pang kagamitan, kundi puro damuhan, puno, at tanawing malawak na dagat lamang ang siyang makikita.Naroon na ang ilang miyembro ng kanyang team B, sina Engr. Santos, at Ar. Medina. Nandoon din ang client’s representative, si Ms. Gelli Nueca.Habang naglalakad sila sa paligid ng lupain, tiningnan nila ang kondisyon ng lupa, ang taas ng lugar, at ang lapit sa dagat. May mga bahagi na medyo paakyat, kaya sinabi ni Engr. Santos na kailangan ng matibay na pundasyon at slope protection.Pinakita ni Ar. Medina ang paunang
Last Updated : 2025-08-17 Read more