“HINDI KO kasi sure kung makakaalis ako nang hindi ko kasama si lo—kuya Flint, eh,” nag-aalangang sagot niya sa kaibigan, muntik pa siyang magkamali.“Aba! Bakit naman kailangang kasama mo pa siya, eh, gala friends ‘yong atin? Hindi naman natin siya friend? At saka, bakit ka naman niya hindi papayagan lalo na kung magpapaalam ka naman ng maayos sa kanya? Grabe namang pagka-strict ng kuya mo kung ganoon! Ano? Kailangan lahat ng lakad mo ay alam niya at kasama siya?!” malakas na sambit nito habang nanlalaki ang mga mata.“Besty, hindi mo naman siguro siya masisisi. You know, sa kanya ako ipinagkatiwala ng mommy ko lalo na at nasa ibang bansa siya kasama si tito Alfredo. Kaya siguro ganoon na lang siya kahigpit at ka-strict sa ‘kin, kasi kapag may nangyaring masama sa ‘kin, syempre, siya ang mananagot kay mommy, ‘di ba?” paliwanag niya sa kaibigan.Napabuntung-hininga na lang ito sa sinabi niya.“Sabagay, may tama ka rin naman. Pero alam mo, may something sa ‘yo, besty…” sambit nito, naka
Huling Na-update : 2025-09-13 Magbasa pa