NAPABUNTONG-HININGA ang kanyang ina bago sumagot kay Alfredo.“Katulad ng dati, hon. Pinapangaralan ko na naman itong si Xyza,” sagot nito na tila ba nanghihina.“Hon, huwag mo namang masyadong biglain si Xyza. Kahit sino, mahihirapang mag-adjust agad, lalo na kung kailangang baguhin ang nakasanayan. Kaunting pasensiya lang, hon. Ganyan din ang ginagawa ko ngayon kay Flint,” paliwanag ni Alfredo sa kanyang ina.“At saka nga pala, hinahanap talaga kita kasi gusto ko sanang magpasama sa ‘yo rito sa silid ni Xyza. May ibibigay kasi akong mahalagang bagay sa kanya,” sabi nito sabay ngiti at tingin sa kanyang direksyon. “Kaso, nakita kong nakabukas ang pinto at narinig ko kayong nag-uusap, kaya pumasok na ako. Pasensiya na kung nakaistorbo ako sa pag-uusap ninyo. Gusto ko lang itong ibigay kay Xyza,” dagdag pa nito habang kinukuha ang wallet at inilabas mula roon ang credit card.“Hon, hindi mo kailangang gawin ‘yan. At isa pa, nariyan pa sa kanya ang dati niyang credit card. Iyon na lang
Terakhir Diperbarui : 2025-08-10 Baca selengkapnya