Sa harap ng inosente at diretso na tingin ni Daria, natigilan si Harmony at parang naubusan ng salita.Parang may biglang naalala, dali-dali siyang dumampot ng libro sa bedside table at medyo utal-utal na nagsalita. “Nagbabasa. Nagbabasa kami ng Papa mo. Alam mo, good habit ang magbasa bago matulog, pampakalma ng isip at nakakatulong sa pagtulog.”“Eh bakit ang tagal n’yo bago magbukas ng pinto?” tanong ni Daria.Dahil nagbibihis kami, baby.Kahit alanganin, nagpatuloy pa rin si Harmony. “Kasi nasa exciting part na kami ng binabasa, gusto naming tapusin muna bago magbukas. Parang ikaw kapag nanonood ng cartoon, ’di ba? Pag exciting part na, ayaw mong maistorbo.”Parang medyo naintindihan ni Daria, kaya tumango siya. “Hmm, oo.”Nang makita ni Harmony na nalusutan niya ang tanong, napatingin siya kay Darien at muling sinamaan ng tingin ang totoong may kasalanan.Pag-akyat ni Darien sa kama, sinipa siya ni Harmony, kahit may pagitan pang si Daria.Lumaki ang mata ni Daria. “Mama,
Read more