-Sofia-Pagsakay ko sa kotse ni Jim, hindi ko maiwasang mapaiyak. Naalala ko na naman si Josh. Kung paano nya hawakan ang kamay ko sa tuwing nagdadrive siya, at bigla na lamang hihinto para lang halikan ako.“I’m sorry.” bulong ko nang mapalingon sa akin si Jim. “Hindi dapat ako umiiyak ng ganito sa harap mo. Hindi ko lang mapigilan. May naaalala kasi ako.”Tiningnan nya ako nang may pag-aalala, kapagkuway inihinto ang sasakyan sa isang bakanteng lote, at bigla akong kinabahan. “It’s okay, Sofia. Hindi ko alam kung anong problema mo, pero pwede kang magsabi sa akin. Nandito lang ako para makinig.”Napalunok ako habang nagpalinga-linga. “Jim, lumampas na yata tayo sa convenience store.” sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko sa mukha. “Ibalik mo dun, please. Nagugutom na kasi ako.”“Tell me, Sofia. It’s about Josh, right?” hindi niya pinansin ang sinabi ko, at bigla akong napalingon sa tono ng kanyang boses. Nakita kong tiim din ang kanyang mga bagang at gumalaw ang kanyang panga,
Last Updated : 2025-10-24 Read more