-Sofia-Pagkatapos isend kay Kimberly ang pera sa kanyang bank account, agad niya akong tinawagan. “Sofia, grabe naman ‘yung sinend sa akin ng kuya mo! Pang brand new car na ‘yun!” hindi makapaniwalang bulalas niya. Nang hindi ako sumagot, bigla siyang sumeryoso. “Okay ka na ba? Kumusta ka? Pwede bang ipahinga mo muna ang katawan mo bago ka bumiyahe? Pwede bang makita ka namin bago ka umalis?”“I can’t. Ayaw ni kuya.” pagdadahilan ko. Ang totoo, ayoko silang makita dahil maaalala ko lang si Josh. Napatingin ako kay kuya sa tabi ko. We were already inside a cab, heading our way to the airport. “Sa Maynila na lang ako magpapahinga. I’m so sorry sa nangyari sa kotse mo, Kim.”Narinig ko ang malungkot niyang pagbuntong-hininga. “It’s okay, Sofia. Wala kang dapat alalahanin, at saka second hand lang naman ‘yun no. Pero alam mo, pwede naman siyang ipagawa na lang. Ibabalik ko na lang ‘yung sobra.”“No. Ang sabi ni kuya, bumili ka daw ng bago.” I told her. Dalawang beses nagsend si kuya sa k
Last Updated : 2025-11-28 Read more