Pumasok si Tyrra sa opisina kinaumagahan, dala ang determinasyong balot ng kaba. Nanindigan siya kahapon kasama si Flavier, pero ang bigat ng alaala ay hindi pa rin humuhupa. Kung nagsalita ito kay Lemar, baka tapos na ang lahat ng pinaghirapan niya.Habang sumasakay sa elevator, parang walang katapusan ang pag-akyat. Bawat tunog ng ding ay parang dagdag na bigat sa dibdib. Pagbukas ng pinto sa floor ni Lemar, nanginginig ang kanyang palad. Pinilit niyang huminga, pinilit isuot ang kanyang maskara.Domino Corp ang kumakain sa kanya araw-araw, ang mahabang oras, ang mapang-asar na ngiti ni Flavier, at ang malamig na alindog ni Lemar. Binibilang niya ang mga araw hanggang matapos ang kontrata, at saka na siya lalaya.“Good morning, Miss Eve,” bati ng sekretarya, gaya ng dati. Tumango siya, inayos ang sarili, at tinulak ang pinto.“Magandang umaga, Mr. Domino,” magalang niyang sabi, nagkukunwaring abala sa mga papel.Tahimik an
Last Updated : 2025-09-08 Read more