IN THE END, utos ng kanyang kapatid ang nasunod. Ito na nga mismo ang tumawag sa manong driver para lang masundo siya sa farm. Ayaw niya pa sanang umuwi ngunit ayaw niya namang magalit sa kanya ang kanyang kapatid.“Pasensya na po, Ma’am. Napag-utusan lang po ako ni Sir Caius,” wika ni Manong driver nang makababa sila ng sasakyan.“Ayos lang po.” Tipid siyang ngumiti rito. “Naiintindihan ko naman po. At saka, alam ko namang nag-aalala lang si Kuya kasi marami na ang mga lamok pagkatapos ng ulan.”Yes, she’s gaslighting herself about it. Maniniwala rin ang kanyang utak and in that way, hindi siya masyadong masasaktan. This is her way of trying to be a considerate sister. Bahala na kung ano ang maisipan niyang rason bukas. Basta ay pupunta siya ulit doon.“Papasok na po ako sa loob. Maraming salamat po sa paghatid,” wika niya rito.“Walang anuman, Ma’am Ichika.”She just showed her tight smile before making her way inside the house. Namataan niya ang kanyang Lolo na na sa pool area nila
Last Updated : 2025-10-29 Read more