“P-Pasensya na kayo ah... Napag lalabasan ko kayo ng problema ko ngayon dahil sa kat*ngahan ko.” Hingi ko ng paumanhin sa dalawang kaibigan ko.“Tara na! Ayusin na natin ang gamit mo! Dapat sinabi mo sa akin para nakapagpa baon man lang ako sayo ng something...” Yaya na sabi ni Adryan sa akin.“Oo nga, sana nag sabi ka ng mas maaga...” Pag sang ayon ni Karen kay Adryan.“Biglaan lang din kasi... At saka sapat na sa akin na nandito kayo ngayon.” Totoo sa puso kong sabi sa mga ito habang paakyat kami sa silid ko.“Hindi bale, pababaunan na lang kita ng pera Kia...” Sabi ni Adryan.“A-Ano ka ba... H-Huwag na...” Nahihiyang sagot ko dito.“Ah basta! Wag mo nang tanggihan, para din sa inaanak ko yan! Kakailanganin mo ng pera doon... Basta, tumawag at mag message ka lang sa akin kapag may kailangan ka ah?” Puno ng concern na sabi pa nito.“Salamat friend...” Hindi ko na tinanggihan na sagot dito.“Ang laki pala nitong bahay na pinahiram sa iyo ni Boss L, ano?” Namamanghang singit na obserba
Ler mais