“Just kidding!” Tawa nito na ibinaling pa ang tingin sa akin at saka binigyan ako ng matamis na ngiti.Napapailing na napahawak ako sa aking noo. Hindi ko din maintindihan talaga kung minsan ang ugali ni Kent. Dahil sa pangyayari ay panandalian kong nalimutan kung nasaan at ano ang sitwasyon namin pamilya ngayon.“I’ll go now. Sir, Kiara, here’s a little something for your family. My condolences.” Sabi nito na may inabot na may ka-kapalan na puting envelope kay Itay.“S-Salamat Iho...” Tanging nasabi ni Itay dito na kita kong may ilang sa mukha nito para sa Boss ko.Tumayo na ito at saka naglakad na ng palabas. Hindi ko na ito kinausap pa dahil wala akong gana na pansinin ito at isa pa, nasa tradisyon na ng mga Pilipino na bawal mag hatid sa bisita at salubungin ito kapag miyembro ng pamilya mo ang pinaglalamayan.Samantalang, si Kent naman ay hinila ni Mike sa loob ng silid kung saan pwede magpahinga ang immediate family ng namatay. Malaki ang lugar kung saan naka burol si Inay ngay
Read more