“Sige, sasamahan kita...” Sabi ni Kent.Tinganguan ko ito at nginitian bilang sagot.“Hmm, Kent, may gusto akong ibalik kay Gurang... Pero ayaw ko na sya makita...” Sabi ko dito.“What’s your plan? Do you want me to do it for you?” Tanong nito sa akin.“Hindi. Ayaw kong malaman niya na magkasama tayo pag alis ng bansa... Kakausapin ko ang dalawang kaibigan ko na nagta-trabaho din sa SGDPC... Sa kanila ko na lang ibibilin.” Sagot ko kay Kent na biglang naalala ang dalawa kong matalik na kaibigan. “Okay, sige… Kung ano man ang plano mo bago tayo umalis, sabihin mo lang sa akin… Lalo na kung may maitutulong ako…” Nakangiting sabi nito sa akin.KINABUKASAN...Nag check out kami ni Kent ng maaga at daretsong hinatid ako nito sa bahay na pagmamay ari ng Boss ko kung saan kami nakikituloy mag anak.Pag dating namin ay agad kaming pinag buksan ni Lyn.“Good morning Ma’am! Doc Kent!” Bati nito sa amin.Alam kong kilala nito ang kasama ko lalo at galing si Lyn kay Boss L kaya malamang ay alam
Ler mais