“Oh siya sige na, Iha... Akin na si Kile, ibigay mo na siya sa amin ng Daddy mo at kami na ang bahala... Mala-late ka na sa trabaho...” Sabi ni Mommy na kinuha na si Kile mula sa aking bisig. May nanny si Kile na binigay sa akin ang pamilya ni Kent... Pero, si Mommy, naging libangan niya na ang anak ko kaya araw araw kapag may pasok ako ay laging narito sila ni Daddy sa apartment, kulang na nga lang ay dito na sila tumira. Napapangiting naisip ko. Bakas sa mukha ng mag asawa kung gaano nito ka-mahal si Kile. “Thank you Mommy at Daddy sa pag aalaga at pag babantay kay Kile po ah...” Magalang na sabi ko sa mga itong humalik pa sa mga pisngi nito. “Sige na Iha, ipapahatid sana kita sa driver kaso alam kong tatanggihan mo lang ako ulit...” Nakangiting sabi ng Daddy. “Eh, okay na po ako... Alis na po ako...” Nag mano ako sa kanila at saka tuluyan ng lumabas ng apartment. Sa isang taon at mahigit kong pananatili dito sa Amerika ay nakasanayan ko na ang mag commute... Sa una’y sinas
Read more