Panandalian kaming binulabog sa pag uusap dahil kumatok si Debra at pumasok sa loob ng Pantry. Tinawag niya si Dylan dahil may kailangan ang matanda dito. Kaya, iniwan na muna kami ni DJ para makapag usap habang breaktime pa, at sila naman ni Debra ay nag tungo na sa opisina.“Sheeet! Kia, team ‘DYKIA’ na ako!” Singit ni Karen na kinikilig pa.“Ay, NOooo! Team ‘KEKIA’ pa din ako!” Banat na sabi naman ni Adryan.“Magsi tigil nga kayong dalawa dyan!” Natatawang saway ko sa mga kaibigan ko.“Hindi mo pa din ba sinasagot si Boss Pogi?” Tanong ni Karen sa akin.Alam ng mga ito na masugid na manliligaw ko ang Amo ko ngayon kaya madalas kapag natawag ang mga ito, hindi naiiwasan ang panunukso ng mga ito sa akin patungkol kay DJ.“Hindi...” Sagot ko sa mga ito.“Why?” Tanong ni Adryan na bakas ang kuryosidad sa mukha nito.“Hmm, basta lang... Gusto ko muna ayusin ang sarili ko at pamilya ko.” Sagot kong muli.“Kia, mayaman ka na ah?!” Sabi ni Adryan.“Ang kuya, aasikasuhin ko na pag uwi ko...
Read more