Makalipas ang ilang minuto, nang maramdaman ko na medyo handa na akong harapin ang Itay ay nagtungo na ako kung nasaan ang aking pamilya.Pag pasok ko sa silid ni Inay ay tulog pa din ito, si Mike din ay tulog, tanging ang Itay lamang ang gising nag dadasal ito na halata ang matyagang nag hihintay ito sa akin upang maki balita.“Kamusta anak?”. Pabulong na sabi sa akin ni Itay, tumayo ito upang salubungin ako kaya’t hinila ko na din ito palabas ng silid ni Inay at dinala ko sya sa may dining area upang makapag usap kaming mag ama.Pag dating namin sa dining area ay inalalayan ko ang Itay upang makaupo, kinuha ko na muna sya ng maligamgam na tubig inabot ito sa kanya at saka umupo sa tabi nito.“A-anong balita nak?”. Tanong nito sa akin sa kinakabahan na tinig.“I-Itay, s-si Inay, m-may cancer po stage 2. Kailangan po nya ma-chemo at operahan tapos ay ira-radiation daw po.” Sabi ko dito na pilit nialalakasan ang king loob.Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Itay bago ito muli
最終更新日 : 2025-11-04 続きを読む