Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ni Boss L bago ako tuluyang pumasok.“I need you tonight.” Narinig kong sabi nito sa teleponong hawak nito habang nakatalikod ito at mataman na nakamasid sa bintana ng opisina nito.Nag mamadaling ipinatong ko sa lamesa nito ang ginawang kape at halos patakbong nilisan ang silid nito at daretsong nagtungo sa banyo sa labas ng opisina.“Ano ba Kiara! G-ganun talaga, malamang may iba pang kalaro yan bukod sayo. Shunga ka ba?!” Naiiyak na sabi ko sa isip ko habang nakaharap sa salamin at hawak hawak ang namumula kong mukha.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero alam kong wala akong karapatan sa kung ano mang damdamin na umuusbong para sa Boss ko, alam ko na naman na ganito ang mangyayari eh... Alam kong magiging isa lamang ako sa mga babae nya. Iyak na isip ko habang awang awang pinag mamasdan ang sarili sa harap ng salamin.“Kalma Kiara... Kalma...” Pagpapa kalma ko sa sarili ko na nag inhale at exhale habang hawak hawak ko ang aking dibdi
Last Updated : 2025-12-03 Read more