Pag dating sa ospital ay agad na sinalubong kami ng mga nurse at tinanong kung ano ang nangyari.“Ah, s-she fell.” Alanganing sagot ko sa nurse.“Po? Panong nahulog po sir? Saan po ba nahulog si ma’am?” Tanong ng nurse na sinusubukan intindihin ang sinasabi ko.Sinabihan ako nitong ihiga si Kiara sa kama na nandun sa emergency room at agad ko naman itong sinunod. Sa harap kami nito ini-interview.“A-ano k-kasi...” Singit ni Kiara na namumula ang mukha sa hiya.“She fell on my lap. Can’t you just go and treat her now?!” Agap na singit at sagot ko na ikinabigla ng mga taong nasa paligid ko kaya agad itong kumilos at nag sulat sa chart na hawak nito.“Ah, I see... Ok po sir, don’t worry po, ire-report ko lang po ito sa aming assigned ER doctor, meron lang pong critical patient ngayon na inaasikaso si doc pero papunta na po sya dito.” Magalang na sabi ng nurse.Mabilis na dumating ang isang doctor na may katangkaran, halos katangkad ko ito mas mataas lang ako ng kaunti. Hindi ko nagustuha
Last Updated : 2025-09-05 Read more