ログイン“Hindi ko alam na magkikita tayo rito.” Si Natasha. “Siguro nagtataka ka kung bakit kami engage ngayon ni Dave. Maraming nangyari noong tinakasan mo ang responsibilidad mo… ate.”Unti-unting humarap si Kalina kay Natasha.“Ang daming nangyari. Sa kagustuhan kong tulungan si Daddy at ikaw, ako na ngayon ang ikakasal sa Gomez.” Akala mo ay sobra itong nagdaramdam sa tono ng kaniyang boses. “Alam mo ba kung gaano nag-alala ang lahat sa bahay sa lagay mo ate? Bigla ka na lang umalis nang araw na ‘yon. Wala kang pasabi. Pagkatapos ay ‘di ka rin bumalik. Hindi mo man lang ba kami naisip?”“Tama na ang pagpapanggap. Alam kong natuwa ka sa ginawa ko at hinding-hindi mo gugustuhing bumalik ako, Natasha.”“A-Ate?”Napangisi si Kalina. Talagang pinaninindigan niya ang pagpapangggap. Laging ganito si Natasha. Simula noong mga bata pa sila. Nagpapanggap na mabait at inosenteng nakababatang kapatid para makuha ang simpantiya ng iba.“Ito naman talaga ang plano mo. Kaya ka nga nagbigay ng sobreng p
Natapos ang lunch break nang hindi na enjoy ni Kalina ang pagkain. Panay ba naman ang pakikiramdam niya sa mga kasama. Dismayado tuloy silang nag-watak ng landas ng mga kaibigan. Kasama niya pa rin si Cain at Theo hanggang sa pagbalik sa opisina.“Maganda ata ang mood natin ngayon ah. Bakit mo naisipang kumain sa cafeteria?” si Theo.“For the change,” simpleng balik ni Cain.“Na touch naman ako, naisipan mo pa akong isama.” Madrama itong humawak sa puso niya at bumaling sa kasabay niyang maglakad. “Buti naaya mo, Kalina.”Umiling si Kalina kay Theo. “Hindi ako nag-aya. Siya ang nagpresenta.”“Totoo?” gulat na lumingon si Theo sa kaibigan. Sinabayan niya ito ng paglakad dahil nasa unahan nila ito. “Talaga boss? Aba tumata—”“I heard the legal department is busy right now. Ang dami mo yatang time? Mas marami ang magiging oras mo kapag sinisante na kita,” malamig na babala ni Cain.Napasimangot si Theo. “Hirap mo ka bonding.” Alam niyang biro lang ‘yon pero mas pinili niya na lang manah
The next day, gloomy ang itsura ni Kalina. Halatang wala ito sa mood. Kahit ganoon, pumasok pa rin siya sa trabaho. Heto nga at nasa opisina siya ngayon ni Sir Cain dahil ang dami na naman nitong inuutos.“Nakikinig ka ba?”Tumigil si Cain sa pagpapaliwanag ng gagawin ni Kalina at kunot noong tinitigan ang babae.Sa harap ng table ng CEO, nakatayong sumagot si Kalina, “Yes, sir. Naintindihan ko po lahat ng sinabi ninyo. May idaragdag pa po ba kayo?”Muling nagsalita si Cain, “Later…”Hinintay naman niya ang kasunod na sasabihin nito.Just for him to say, “Nothing. ‘Wag na pala.” Siya naman ngayon ang napakunot ng noo. “Sigurado ka?”Mula sa casual na pagkakaupo, ginulong nito ang swivel chair para makalapit sa mga papeles niya sa lamesa. Pinaypay nito ang kanang kamay kay Kalina. “Yeah, yeah. Get out.”Mas lalong napabusangot si Kalina.Alam niyang weird ang boss slash secret husband niya. Pero ganito ba talaga siya ka-weird?Hindi siya makapag-trabaho ng maayos dahil nararamdaman ni
Unti-unting napundi ang namumuong pag-asa ni Kalina.“Natasha and Dave are already engaged. Have you heard about it?”Mabagal ang naging pagtango niya, ang mga mata ay iwas sa disappointed na mukha ng ama. Imbis na kainin ang mamahalin at halata namang masarap na putaheng nakahain sa harap niya, nanatiling nakatago ang mga kamay niya sa ilalim ng lamesa, nakapatong sa mga hita niya. Wala siyang ganang kumain lalo pa’t tila may nakabara sa lalamunan niya.“If you don't just run away that day. Kung sumipot ka lang sana. Kasal na dapat kayo ni Dave ngayon.” Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng ama kaya naglakas loob siyang mag-angat ng tingin.May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib.May pagkadisgustong nakaguhit sa bawat sulok ng mga mata nito. Parang stress na stress na ang ama niya. Ang isipin na siya ang dahilan… ang sakit para sa kaniya. “Buti na lang pumayag si Dave at ang pamilya niya na pakasalan si Natasha sa lugar mo. Kung hindi, malaking pagkalugi ang ka
Inaasahan na ni Kalina na gagabihin na siya sa pag-uwi kaya hindi na siya nagtaka nang lumabas siya ng building at madilim na langit ang sumalubong sa kaniya. Nag-overtime siya para makabawi. Nasa office ang CEO simula noong pumasok ito hanggang ngayon. Hindi na siya nag-abalang magpaalam. Halos lahat naman ng empleyado nauna na rin.“Look who’s here. Ang feelingerang secretary.”Isa lang sa Valvares Cuisine ang may matinis at nakakainis na ganitong boses. Sino pa ba ang may lakas ng loob harapin ng ganito si Kalina?“Suzy,” walang ganang sambit ni Kalina sa humarang sa daan niya.Nag-flip hair ang babae. Ang dalawang alipores nito ay nakangisi sa kaniya.Akala mo mga high school student na nag-aabang sa gate para maghamon ng away.“Balita ko isang linggo kang nawala? Dahil nasa executive office ka na, ang lakas na ng loob mo. Ano, akala mo ba dahil secretary ka na ni Sir Cain may karapatan ka nang maging tamad? Secretary ka lang.”Umirap ang dalawang babae sa magkabilang gilid ni Suz
Natapos ang lunch break na walang ibang naririnig si Kalina kundi tungkol sa relasyon ni Cain at ng ‘di kilalang babae. Pumasok siya sa elevator at may pumasok din kasunod niya. “Theo,” pagbati niya sa katabing tumindig sa kaliwang gilid.“Hey! Long time no see. Kumusta naman ang naging honeymoon n’yo ni boss?”Malaya itong nakakadaldal dahil tanging silang dalawa ang laman ng elevator.Napangiwi si Kalina. “Hindi ‘yon honeymoon.”“Oohh. Talaga ba?” Humagalpak ng tawa si Theo kahit wala namang nakakatawa. Napatitig na lang si Kalina na napansin naman ng lalaki.Pilit tinikom ni Theo ang bibig para mapigilan ang paglabas ng tawa.“Sabi ko nga. Spain trip, not honeymoon,” pagtatama niya sa sarili, tinaas ang hintuturo sa hangin. “Okay. Okay. Copy that. Sorry, my bad.”“By the way,” dagdag nito. “Ano bang nangyari sa inyo ni boss sa Spain?”Napaisip si Kalina sa mga ginawa nila. Malayo sa perpekto ang mga nangyari pero ‘di niya makakailang masaya ang kinalabasan. Kumpara noong una, pa
Nanlaki ang mga mata ng ginang. “Y-Your what?”“My wife, mom,” pag-uulit niya. “Kasal na kami. Siya ang asawa ko.” Tinaas ni Cain ang kamay nilang magkaholding hands para ipakita ang wedding ring na suot nila.“You got married?! K-Kailan pa? At bakit hindi mo ipinaalam sa amin?!
KINABUKASAN. Maagang nagising si Kalina ngunit hindi agad siya lumabas sa guest room kung saan siya natulog. Guest room lang ba talaga ‘to? Kasing laki na yata ito ng sarili niyang kwarto sa bahay niya. Malawak at may sariling banyo pa ang room. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Maayos at kumport
“Uy, kanina pa may tumatawag sa ‘yo. ‘Di mo ba sasagutin ‘yan?” Natigil si Kalina sa ginagawa. Nakaturo si Julius sa cellphone niyang panay ang liwanag. Simula nang hindi siya sumipot sa kasal dapat nila ni Dave, ‘di na siya tinigilan ng kaniyang ama. Lunod sa mensahe at tawag ang phone niya. Ay
Day off ngayon ni Kalina.Ngayong araw siya pupunta kila Cain, para maipakilala siya sa mga magulang nito. Sinabihan na siya ni Cain na maghanda kaya iyon ang ginagawa niya.“Alin ang mas maganda?” nakahawak sa baba niyang tanong.Nasa kama niya ang dalawang pares ng damit, kapwa nakalatag. Sa kana







