共有

Chapter 32

last update 公開日: 2026-05-11 20:52:22

Natapos ang lunch break na walang ibang naririnig si Kalina kundi tungkol sa relasyon ni Cain at ng ‘di kilalang babae.

Pumasok siya sa elevator at may pumasok din kasunod niya. “Theo,” pagbati niya sa katabing tumindig sa kaliwang gilid.

“Hey! Long time no see. Kumusta naman ang naging honeymoon n’yo ni boss?”

Malaya itong nakakadaldal dahil tanging silang dalawa ang laman ng elevator.

Napangiwi si Kalina. “Hindi ‘yon honeymoon.”

“Oohh. Talaga ba?”

Humagalpak ng tawa si Theo kahit wala naman
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 37

    “Hindi ko alam na magkikita tayo rito.” Si Natasha. “Siguro nagtataka ka kung bakit kami engage ngayon ni Dave. Maraming nangyari noong tinakasan mo ang responsibilidad mo… ate.”Unti-unting humarap si Kalina kay Natasha.“Ang daming nangyari. Sa kagustuhan kong tulungan si Daddy at ikaw, ako na ngayon ang ikakasal sa Gomez.” Akala mo ay sobra itong nagdaramdam sa tono ng kaniyang boses. “Alam mo ba kung gaano nag-alala ang lahat sa bahay sa lagay mo ate? Bigla ka na lang umalis nang araw na ‘yon. Wala kang pasabi. Pagkatapos ay ‘di ka rin bumalik. Hindi mo man lang ba kami naisip?”“Tama na ang pagpapanggap. Alam kong natuwa ka sa ginawa ko at hinding-hindi mo gugustuhing bumalik ako, Natasha.”“A-Ate?”Napangisi si Kalina. Talagang pinaninindigan niya ang pagpapangggap. Laging ganito si Natasha. Simula noong mga bata pa sila. Nagpapanggap na mabait at inosenteng nakababatang kapatid para makuha ang simpantiya ng iba.“Ito naman talaga ang plano mo. Kaya ka nga nagbigay ng sobreng p

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 36

    Natapos ang lunch break nang hindi na enjoy ni Kalina ang pagkain. Panay ba naman ang pakikiramdam niya sa mga kasama. Dismayado tuloy silang nag-watak ng landas ng mga kaibigan. Kasama niya pa rin si Cain at Theo hanggang sa pagbalik sa opisina.“Maganda ata ang mood natin ngayon ah. Bakit mo naisipang kumain sa cafeteria?” si Theo.“For the change,” simpleng balik ni Cain.“Na touch naman ako, naisipan mo pa akong isama.” Madrama itong humawak sa puso niya at bumaling sa kasabay niyang maglakad. “Buti naaya mo, Kalina.”Umiling si Kalina kay Theo. “Hindi ako nag-aya. Siya ang nagpresenta.”“Totoo?” gulat na lumingon si Theo sa kaibigan. Sinabayan niya ito ng paglakad dahil nasa unahan nila ito. “Talaga boss? Aba tumata—”“I heard the legal department is busy right now. Ang dami mo yatang time? Mas marami ang magiging oras mo kapag sinisante na kita,” malamig na babala ni Cain.Napasimangot si Theo. “Hirap mo ka bonding.” Alam niyang biro lang ‘yon pero mas pinili niya na lang manah

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 35

    The next day, gloomy ang itsura ni Kalina. Halatang wala ito sa mood. Kahit ganoon, pumasok pa rin siya sa trabaho. Heto nga at nasa opisina siya ngayon ni Sir Cain dahil ang dami na naman nitong inuutos.“Nakikinig ka ba?”Tumigil si Cain sa pagpapaliwanag ng gagawin ni Kalina at kunot noong tinitigan ang babae.Sa harap ng table ng CEO, nakatayong sumagot si Kalina, “Yes, sir. Naintindihan ko po lahat ng sinabi ninyo. May idaragdag pa po ba kayo?”Muling nagsalita si Cain, “Later…”Hinintay naman niya ang kasunod na sasabihin nito.Just for him to say, “Nothing. ‘Wag na pala.” Siya naman ngayon ang napakunot ng noo. “Sigurado ka?”Mula sa casual na pagkakaupo, ginulong nito ang swivel chair para makalapit sa mga papeles niya sa lamesa. Pinaypay nito ang kanang kamay kay Kalina. “Yeah, yeah. Get out.”Mas lalong napabusangot si Kalina.Alam niyang weird ang boss slash secret husband niya. Pero ganito ba talaga siya ka-weird?Hindi siya makapag-trabaho ng maayos dahil nararamdaman ni

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 34

    Unti-unting napundi ang namumuong pag-asa ni Kalina.“Natasha and Dave are already engaged. Have you heard about it?”Mabagal ang naging pagtango niya, ang mga mata ay iwas sa disappointed na mukha ng ama. Imbis na kainin ang mamahalin at halata namang masarap na putaheng nakahain sa harap niya, nanatiling nakatago ang mga kamay niya sa ilalim ng lamesa, nakapatong sa mga hita niya. Wala siyang ganang kumain lalo pa’t tila may nakabara sa lalamunan niya.“If you don't just run away that day. Kung sumipot ka lang sana. Kasal na dapat kayo ni Dave ngayon.” Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ng ama kaya naglakas loob siyang mag-angat ng tingin.May kung anong kirot siyang naramdaman sa dibdib.May pagkadisgustong nakaguhit sa bawat sulok ng mga mata nito. Parang stress na stress na ang ama niya. Ang isipin na siya ang dahilan… ang sakit para sa kaniya. “Buti na lang pumayag si Dave at ang pamilya niya na pakasalan si Natasha sa lugar mo. Kung hindi, malaking pagkalugi ang ka

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 33

    Inaasahan na ni Kalina na gagabihin na siya sa pag-uwi kaya hindi na siya nagtaka nang lumabas siya ng building at madilim na langit ang sumalubong sa kaniya. Nag-overtime siya para makabawi. Nasa office ang CEO simula noong pumasok ito hanggang ngayon. Hindi na siya nag-abalang magpaalam. Halos lahat naman ng empleyado nauna na rin.“Look who’s here. Ang feelingerang secretary.”Isa lang sa Valvares Cuisine ang may matinis at nakakainis na ganitong boses. Sino pa ba ang may lakas ng loob harapin ng ganito si Kalina?“Suzy,” walang ganang sambit ni Kalina sa humarang sa daan niya.Nag-flip hair ang babae. Ang dalawang alipores nito ay nakangisi sa kaniya.Akala mo mga high school student na nag-aabang sa gate para maghamon ng away.“Balita ko isang linggo kang nawala? Dahil nasa executive office ka na, ang lakas na ng loob mo. Ano, akala mo ba dahil secretary ka na ni Sir Cain may karapatan ka nang maging tamad? Secretary ka lang.”Umirap ang dalawang babae sa magkabilang gilid ni Suz

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 32

    Natapos ang lunch break na walang ibang naririnig si Kalina kundi tungkol sa relasyon ni Cain at ng ‘di kilalang babae. Pumasok siya sa elevator at may pumasok din kasunod niya. “Theo,” pagbati niya sa katabing tumindig sa kaliwang gilid.“Hey! Long time no see. Kumusta naman ang naging honeymoon n’yo ni boss?”Malaya itong nakakadaldal dahil tanging silang dalawa ang laman ng elevator.Napangiwi si Kalina. “Hindi ‘yon honeymoon.”“Oohh. Talaga ba?” Humagalpak ng tawa si Theo kahit wala namang nakakatawa. Napatitig na lang si Kalina na napansin naman ng lalaki.Pilit tinikom ni Theo ang bibig para mapigilan ang paglabas ng tawa.“Sabi ko nga. Spain trip, not honeymoon,” pagtatama niya sa sarili, tinaas ang hintuturo sa hangin. “Okay. Okay. Copy that. Sorry, my bad.”“By the way,” dagdag nito. “Ano bang nangyari sa inyo ni boss sa Spain?”Napaisip si Kalina sa mga ginawa nila. Malayo sa perpekto ang mga nangyari pero ‘di niya makakailang masaya ang kinalabasan. Kumpara noong una, pa

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 18

    Natapos ang meeting at lumabas na ng hall si Kalina. Aasikasuhin niya na ang mga gamit niya para sa paglipat sa Executive Department. Pagkapasok niya sa marketing office, bumungad agad sa kaniya ang grupo ni Suzy na mukhang kanina pa siya inaabangan. “Excuse me,” kalmadong ani Kalina. “Nakaharan

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 17

    Makalipas lang ang ilang araw, nagpatawag ng company meeting si Mr. Valvares. Ngayon ang araw na ‘yon. Narito sa malawak na main conference hall ang mga kinatawan ng Valvares Cuisine. Kumpleto ang board of directors, ang mga department heads, managers. Gayundin ang mga empleyado. Tahimik ang laha

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 16

    Nakabibinging katahimikan ang pumalibot sa kanilang dalawa sa loob ng kotse. Ang awkward talaga! Nang ma-bored si Kalina sa katitingin sa labas ng bintana, tumingin siya kay Cain. Seryoso itong nagmamaneho. Naglibot pa siya ng tingin sa nasa harap niya. Huminto ang tingin niya sa radio, pini

  • The Runaway Bride Becomes The CEO's Wife   Chapter 15

    “Uhh…” Napansin si Mr. Valvares na hindi sigurado si Kalina. Napakagat si Kalina sa ibabang labi. Lumingon siya sa boss niya para humingi ng tulong. Mabuti mabilis ang isip ni Cain. Before his father could raise any suspicion, he already provided a reasoning. “Import

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status