"So how's life in Dubai, ate?" tanong sa akin ni Andie. Lumingon siya sa kinaroroonan ko kaya sinalubong ko rin ang mga titig niya."I'm having so much fun. At hindi lang naman sa Dubai umiikot ang mundo ko, you know that," tugon ko sa kanya. I made sure na narinig 'yon ni Riguel. Gusto kong maisip niya na wala na talaga siya sa buhay ko; na parte na lang siya ng kahapon ko."Alam kong halos naikot mo na ang mundo. But that's not the point of my question. Ang gusto kong malaman ay kung mag-boyfriend ka na ba," pagtatama niya bago ngumisi sa akin. "I'm sure maraming nagkakandarapa sa 'yo.""I'm too busy for a relationship, Andie. At isa pa, hindi pa ako handa. Ayoko muna ng ibang iisipin bukod sa trabaho ko," pagrarason ko. Ang totoo niyan, maraming nanligaw pero wala talaga akong interes. It's like my heart is waiting for someone in particular."How about one night stands?" tanong niya sa akin bago humagikhik."Are you sure you should be asking me that in front of your boyfriend?" tan
Terakhir Diperbarui : 2025-08-10 Baca selengkapnya