Sinful Secrets of the Billionaire

Sinful Secrets of the Billionaire

last updateHuling Na-update : 2025-08-10
By:  ChildOfDestinyIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
4Mga Kabanata
6views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Napilitan si Amélie na bumalik ng Pilipinas nang mabalitaan niyang ikakasal na ang kanyang kapatid. Laking gulat niya dahil ni minsan ay hindi nabanggit nito na may fiancé na pala. Naghanda siya para sa araw ng kanilang pagkikita, ngunit tila nabura ang lahat ng ingay sa paligid nang makita kung sino ang lalaki. Si Riguel Morel, isang kilalang multi-billionaire. Tall, dangerously charming, almost flawless, and most of all, the man she once loved but chose to leave behind in pursuit of her dreams abroad. Para sa kapakanan ng kapatid, pinilit ni Amélie na magpanggap na tila wala silang nakaraan. Ngunit hanggang kailan niya mapapanindigan iyon kung sa tuwing wala ang kapatid niya ay mas lalo namang nagiging mapanganib ang bawat paglapit at tingin ni Riguel sa kanya?

view more

Kabanata 1

Chapter 1

Hila-hila ang isang malaking maleta ay bumaba ako sa taxi. Hindi ko mapigilang mapapikit nang maanghap ko ang hangin ng Pilipinas.

Limang taon na magmula nang gawin ko ang pinakamabigat na desisyon sa buong buhay ko, ang iwan ang lahat dito sa Pilipinas para sa career ko. Hindi ko kayang bitawan ang offer na nakuha ko sa isang malaking kumpanya sa Dubai at hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong iyon. Dahil doon ay natupad ko ang pangarap kong maging isang sikat na designer.

Sinalubong ako ng isang kasambahay.

"Good morning, Ma'am Amélie. Ako po si Tindeng," pagpapakilala niya.

"Good morning, Manang," tugon ko sa kanya at ngumiti.

"Gusto n'yo pong kumain?" alok niya sa akin pero umiling lang ako. I already had my breakfast during my flight.

"Salamat po, pero busog pa ako. Hihintayin ko na lang si Andie," tugon ko sa kanya bago ako umakyat sa hagdanan.

Alas dos nang hapon na nang magising ako. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya nagdesisyon akong bumangon at magbihis ng pambahay bago pumunta sa baba para tingnan kung may makakain ba ako.

Pagkababa ko ay nadatnan ko si Manang Tindeng na nanonood ng telebisyon. Pagkakita niya sa akin ay dali-dali siyang tumayo at papatayin na sana ang TV nang pigilan ko siya.

"You can continue watching, Manang," nakangiting sambit ko sa kanya bago ako dumiretso sa kusina bago pa man siya magsalita at magtanong kung ano ang kailangan ko.

Habang nanonood si Manang ng telebisyon ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Agad na napatayo si Manang at kita ko ang pagkataranta niya.

Kumaripas na siya ng takbo papunta sa pintuan.

Nagkibit-balikat na lang ako bago ibinalik ang atensyon sa pinapanood ko. Pero muli akong napatingin sa pintuan nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.

"Ate?"

Agad akong napatayo para sana ay salubungin siya pero natigilan ako nang mahagip ng mata ko ang isang matangkad at matipunong lalaki na nakasunod sa kanya. Hindi ko pa maaninag nang maayos ang mukha nito dahil natatabunan ito ng dahon ng halaman.

"Ate!" rinig kong tili ni Andie bago siya patakbong lumapit sa akin at niyakap ako.

"Na-miss kita nang sobra!"

Niyakap ko siya pabalik. "I missed you, too," bulong ko at hindi napigilan ang mapangiti. Pero agad din iyong nawala dahil napalitan ng hiya. Agad akong kumawala mula sa pagkakayakap niya at pinaningkitan siya ng mata.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pasimple siyang kinurot sa tagiliran kaya napahiyaw siya.

"Who's that man?" tanong ko habang pilit na sinisipat ang kasama niya pero hindi ko talaga maaninag.

"My fiancé?" alanganing tugon niya kaya mas diniinan ko ang pagkakakurot sa kanya.

"Tingnan mo nga ang ayos ko, Andie!" pabulong kong sumbat sa kanya at pinandilatan pa siya ng mata. "Tell him to wait a little longer. Magbibihis lang ako ng presentableng damit," sambit ko at akmang aakyat na sana nang tawagin ng kapatid ko ang lalaki.

"Babe, come in and meet my Ate!"

Agad akong bumaling sa kanya para sana muli siyang kurutin nang matigilan ako. Saktong-sakto ang pagharap ko sa direksyon ni Andie at siyang pagpasok ng nobyo nito. Nanlaki ang aking mga mata at tila may bumara sa aking lalamunan. Hindi ko magawang makapagsalita. Tila tumigil ang mundo ko.

Riguel Morel, isang bilyonaryong business tycoon. Gwapo, matangkad, matipuno, may lahing banyaga... at higit sa lahat, ang dati kong nobyo na iniwan ko para sa mga pangarap ko.

Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Kung wala lang akong makapitan ay paniguradong kanina pa ako bumagsak sa sahig. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I can't help but question the heavens why this is happening to me

"Riguel..." sambit ko kaya napatingin sa akin si Andie.

"You know him?" tanong niya.

"Yes," mabilis kong sagot bago tinapunan ng tingin ang lalaki. He's just looking at me with his neutral eyes. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Sa tingin ko'y gaya ko ay nabigla rin siya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya bago pa man mag-isip ng kung ano ang kapatid ko.

"Sino ba namang hindi makakakilala sa isang Riguel Morel, Andie?" baling ko sa kapatid ko. Nginitian ko siya para itago ang kaguluhang nararamdaman ko. "He's one of the youngest richest business tycoons in the Philippines and has been featured in magazines for the past year."

Wala namang mali sa sinabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Tagapagmana siya ng isang conglomerate company noong naging boyfriend ko siya. Wala namang tutol sa relasyon naming dalawa, it's just that I felt like I would not get any closer to my dreams if I stuck with him.

Masyadong komplikado ang buhay niya at ayokong madamay. He was building his reputation that time, and as someone who wanted nothing but the best for him and also for myself, I decided to leave him.

Naghahanap lang talaga ako ng mabigat at valid na rason para iwan siya noong mga panahong iyon dahil sa tingin ko ay magiging mantsa lang ako sa imaheng binubuo niya.

Akala ko ay hindi na muling magtatagpo ang landas namin dahil magkaibang daan na ang tinatahak namin. Pero tunay ngang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo kaming muli at sa mas komplikadong sitwasyon pa.

Sa tingin ko'y karma ko na rin ito. Inilihim ko kasi sa pamilya ko ang relasyon namin ni Riguel. Gumagawa ako ng alibi sa tuwing lalabas kami para mag-date. I lied multiple times just to be with him. Isa rin iyon sa mga pinaghugutan ko para iwanan siya. And now, my lies are getting back to me. Kung sana'y ipinaalam ko sa pamilya ko ang tungkol sa amin, hindi sana siya ang fiancé ni Andie ngayon.

"Ate?"

I got back to my senses when I heard Andie's call. Hilaw akong napangiti sa kanya bago ako tumalikod. "Give me a few minutes to change. Nakakahiya namang humarap sa fiancé mo na ganito lang ang suot ko."

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. I ran my way up to my room. Pagkapasok na pagkapasok ko ay tuluyang nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa napaluhod ako sa sahig. Kinakapos ako sa hangin kaya huminga ako nang malalim.

I need to grasp the situation as quick as I can. Kailangan kong mag-adjust agad-agad bago pa man makahalata si Andie. At isa pa, five years na magmula nang maghiwalay kaming dalawa. I am pretty sure he has finally moved on.

Baka nga hindi lang si Andie ang babaeng dumaan sa buhay niya. I bet there's a line of women before he decided to tie the knot with my sister.

Wait, alam ba niyang kapatid ko si Andie?

It's impossible. Hindi ko siya ipinakilala sa pamilya ko. I didn't give him any details about my family either.

Halos mapatalon ako sa gulat nang sunod-sunod na katok ang narinig ko sa aking pinto.

"Ate?"

Pinilit kong tumayo para pagbuksan ng pinto si Andie. Sinalubong niya ako nang malungkot na ekspresyon.

"Are you mad at me for what I did?"

"No," mabilis kong tugon. "I was just a bit surprised. Hindi lang talaga ako nakapaghanda," pagsisinungaling ko. "Y-You should have told me para naman nakapag-prepare din ako ng makakain natin."

"If that's what you're worrying about, then no need. We actually came here to fetch you. Riguel made a reservation for the three of us in his friend's restaurant," tugon niya sa akin bago ngumiti. She hugged me again before she whispered, "I am glad you're finally here."

Niyakap ko siya pabalik. "Alangan namang hindi ako umuwi, 'di ba? You completely surprised me about your plans!" sagot ko bago hinampas ang braso niya.

"Well, I wanted to surprise you nga," giit niya.

"You did," segunda ko naman. I tried flashing a genuine smile, sana lang ay hindi magmukhang pilit na ngiti pagdating sa kanya.

"Sorry," aniya bago ngumisi. "But I am not really that sorry, kasi sobrang saya ko dahil nakauwi ka na finally. At isa pa, ikaw rin ang magde-design ng wedding gown ko."

"Yes, and I'll be here all throughout the preparation of your wedding to make sure it will be a big success," paninigurado ko sa kanya. "Hands-on ko ring gagawin ang gown mo. Iyon na ang magiging regalo ko sa 'yo."

"You're the best sister in the world!" Muli niya akong niyakap pero saglit lang iyon dahil nagpaalam na siya na bababa na siya at ayaw niyang iwan si Riguel doon.

Nang muli kong isara ang pinto para magbihis ay hindi ko napigilang maihilamos ang mga kamay ko dahil sa labis-labis na frustration. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Things have escalated way too fast. Ni hindi ko naihanda ang sarili ko kahit isang porsyento man lang.

Napailing na lang ako bago ako namili ng damit na susuotin.

Nang matapos akong maghanda ay bumaba na ako. "Andie, I'm done," tawag ko sa kapatid ko at sabay pa silang tumingin ni Riguel.

Pansin ko ang titig ng lalaki kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Itinuon ko na lang kay Andie ang atensyon ko at pilit kong inisip na siya lang ang kasama ko.

"That's great. Tara na?" tugon nito.

Nauna na itong lumabas kasabay ang nobyo niya. Sumunod lang ako sa kanila at sinigurado ko talagang may distansya sa pagitan namin. Pero wala rin pala iyong silbi dahil hinintay ako ni Riguel sa harapan ng mamahalin niyang sasakyan para pagbuksan ng pinto.

"Thank you," kaswal kong sambit sa kanya bago ako yumuko.

Papasok na sana ako nang bigla siyang bumulong, "I'm glad to see you again, Amélie..."

Nanigas ako nang marinig iyon.

Hindi ko siya pinansin. Nagkunwari akong walang narinig. Pumasok na ako na para bang walang epekto ang ginawa niya kahit na sa kaloob-looban ko ay halos magwala na ako. 

Naikuyom ko na lang ang aking mga kamay at nakagat ko ang mga labi. "You need to get your shìts together, Amelie," bulong ko sa sarili ko. Kung pwede ko lang sampalin ang sarili ko ay ginawa ko na para bumalik ako sa senses ko.

Umiling ako at kinurot ang aking sarili. Kailangan ko nang kalimutan ang nakaraan naming dalawa. Hindi na ako ang nobya niya, kundi ang kapatid ko na. And they will be married a few months from now.

Hindi ko tuloy maiwasang mapailing sa sitwasyon ko ngayon. Up until now, ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayaring gumulantang sa tahimik kong buhay. I still find it absurd.

"My ex-boyfriend... become my brother-in-law."

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
4 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status