Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-08-10 17:37:29

Hindi ko inasahan ang tanong na 'yon. I was caught off guard. Napakahinahon ng boses niya nang sabihin niya 'yon kaya hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o seryoso siya. Napaiwas ako ng tingin bago marahang hinawi ang kamay niya.

"I'm fine, Mr. Morel. Life has been really good ever since I left the country years ago," sambit ko sa kanya.

Hindi ko tiningnan ang mukha niya para 'di ko makita ang magiging reaksyon niya. I kept my eyes on the road ahead of us. Naikuyom ko ang isang kamay ko upang kontrolin ang emosyon kong rumaragasa sa kaloob-looban ko.

"That's good to know," sambit niya bago muling binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito. "It seems like you have no regrets at all," dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang ngumisi. Pero may kung ano sa ngisi niyang 'yon na nagpabigat ng loob ko.

Tila may tinik na namuo sa aking lalamunan nang marinig ko ang sinabi niya. Pero hindi ko 'yon pinahalata. I smiled at him, "Yes, no regrets at all."

Gusto kong sampalin at sabunutan ang sarili ko dahil sa mga pinagsasasabi ko. Hindi totoong wala akong pinagsisihan. I had regrets. Sobrang dami. Lalo na sa pag-iwan ko sa kanya. Hindi ko iyon gagawin kung may choice lang ako. Kung may pagpipilian lang ako ay mananatili ako sa tabi niya. But I ignored them all. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga pagsisising 'yon dahil may pangarap akong hinahabol.

At isa sa mga pagsisising 'yon ay ang iwan ko ang nag-iisang lalaking minahal ko... ang lalaking ngayon ay mapapangasawa na ng kapatid ko. Kaya kailangan ko nang mag-move on. Kailangan kong magpatuloy at maging masaya na lang para sa kanila. Andie is the only family I have, and I want her to be happy. I want her to have the happiness she deserves.

"Mr. Morel..." tawag ko sa lalaki. Tiningnan ko siya at hinintay siyang tumingin din sa gawi ko. Nang gawin niya 'yon ay seryoso kong sinalubong ang mga titig niya. "We should have a deal. Mas magiging maayos tayong dalawa kung may kasunduan tayo."

"What deal?" tanong niya habang nasa daan lang ang tingin.

"We should act civil. Huwag nating ipahalata kay Andie na may namagitan sa atin noon," sambit ko at muli na naman niyang itinabi ang sasakyan.

Tumingin siya sa akin. Mataman niyang pinagmasdan ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya kaya ang ginawa ko ay hinintay ang susunod niyang gagawin. Pero nabigla ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Hindi ako nakagalaw. My body stiffened. I held my breath. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Nakakapanghina. Muli ko na namang naamoy ang pabango niya. Ang daming alaala ang bumalik. Mga alaalang pilit kong kinakalikutan dahil tanging sakit lamang ang dala sa akin.

"A deal should benefit both of us, am I right, Ms. Amelie?" tanong niya. "Anong makukuha ko sa deal na yan?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa aking pisngi. Nag-iwas ako ng tingin pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang pisngi ko habang unti-unting inilalapit ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko.

Shit. Hahalikan niya ba ako?

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko. Ang nagawa ko na lang ay ang pumikit at maghintay sa kung ano ang mangyayari nang biglang tumunog ang telepono niya. That pulled me back to my senses. Agad ko siyang naitulak palayo sa akin. Doon ko lang din napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

"Hello?" tugon niya. "Yes, we're still on our way. I'll update you once I send her home. I love you, too." Doon na natapos ang usapan nila. I know it's Andie.

Tinapunan niya ako ng tingin saka ngumisi. "Let's go?"

Hindi ako sumagot. Agad akong nag-iwas ng tingin habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ko. Sobrang init ng mukha ko. I feel so embarrassed.

Ano ba naman yan, Amélie. Nakakahiya ka.

Why did I even close my eyes? Did I really think we'll kiss?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sinful Secrets of the Billionaire    Chapter 4

    Hindi ko inasahan ang tanong na 'yon. I was caught off guard. Napakahinahon ng boses niya nang sabihin niya 'yon kaya hindi ko alam kung inaasar niya ba ako o seryoso siya. Napaiwas ako ng tingin bago marahang hinawi ang kamay niya."I'm fine, Mr. Morel. Life has been really good ever since I left the country years ago," sambit ko sa kanya.Hindi ko tiningnan ang mukha niya para 'di ko makita ang magiging reaksyon niya. I kept my eyes on the road ahead of us. Naikuyom ko ang isang kamay ko upang kontrolin ang emosyon kong rumaragasa sa kaloob-looban ko."That's good to know," sambit niya bago muling binuhay ang makina ng sasakyan at pinaandar ito. "It seems like you have no regrets at all," dagdag niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita siyang ngumisi. Pero may kung ano sa ngisi niyang 'yon na nagpabigat ng loob ko.Tila may tinik na namuo sa aking lalamunan nang marinig ko ang sinabi niya. Pero hindi ko 'yon pinahalata. I smiled at him, "Yes, no regrets at all."Gusto kong sampal

  • Sinful Secrets of the Billionaire    Chapter 3

    Fuck, Riguel!Ilang beses akong huminga nang malalim para lang pakalmahin ang sarili ko. I composed myself as best as I could. I don't want to mess up this dinner. This first meeting my sister has set up for us. Nang tuluyan akong kumalma ay bumalik na ako sa table namin."Sorry it took me long. I had to retouch my makeup," palusot ko kay Andie."Have you seen Riguel? He said he's going to check on you," aniya bago inilibot ang mata sa paligid."H-Hindi ko siya nakita," I lied. Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko nang mamataan kong naglalakad na pabalik ang lalaki.And before he could even say anything that would mess up my lies, I spoke again, "Where were you, Mr. Morel?" Pigil ang paghinga ko habang inaabangan ko ang magiging reaksyon niya.Mukhang nakuha niya agad ang nais ko. I saw how a grin formed on his lips. Mataman siyang tumingin sa aking mga mata bago bumaling sa kapatid ko. "I had a talk with the owner of this place," aniya bago umupo sa tabi ni Andie. Kitang-kita ko p

  • Sinful Secrets of the Billionaire    Chapter 2

    "So how's life in Dubai, ate?" tanong sa akin ni Andie. Lumingon siya sa kinaroroonan ko kaya sinalubong ko rin ang mga titig niya."I'm having so much fun. At hindi lang naman sa Dubai umiikot ang mundo ko, you know that," tugon ko sa kanya. I made sure na narinig 'yon ni Riguel. Gusto kong maisip niya na wala na talaga siya sa buhay ko; na parte na lang siya ng kahapon ko."Alam kong halos naikot mo na ang mundo. But that's not the point of my question. Ang gusto kong malaman ay kung mag-boyfriend ka na ba," pagtatama niya bago ngumisi sa akin. "I'm sure maraming nagkakandarapa sa 'yo.""I'm too busy for a relationship, Andie. At isa pa, hindi pa ako handa. Ayoko muna ng ibang iisipin bukod sa trabaho ko," pagrarason ko. Ang totoo niyan, maraming nanligaw pero wala talaga akong interes. It's like my heart is waiting for someone in particular."How about one night stands?" tanong niya sa akin bago humagikhik."Are you sure you should be asking me that in front of your boyfriend?" tan

  • Sinful Secrets of the Billionaire    Chapter 1

    Hila-hila ang isang malaking maleta ay bumaba ako sa taxi. Hindi ko mapigilang mapapikit nang maanghap ko ang hangin ng Pilipinas.Limang taon na magmula nang gawin ko ang pinakamabigat na desisyon sa buong buhay ko, ang iwan ang lahat dito sa Pilipinas para sa career ko. Hindi ko kayang bitawan ang offer na nakuha ko sa isang malaking kumpanya sa Dubai at hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong iyon. Dahil doon ay natupad ko ang pangarap kong maging isang sikat na designer.Sinalubong ako ng isang kasambahay."Good morning, Ma'am Amélie. Ako po si Tindeng," pagpapakilala niya."Good morning, Manang," tugon ko sa kanya at ngumiti."Gusto n'yo pong kumain?" alok niya sa akin pero umiling lang ako. I already had my breakfast during my flight."Salamat po, pero busog pa ako. Hihintayin ko na lang si Andie," tugon ko sa kanya bago ako umakyat sa hagdanan.Alas dos nang hapon na nang magising ako. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya nagdesisyon akong bumangon at magbihis ng pambahay bago

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status